05 July 2012

parang gutom na yata ako

naamoy ko na kasi ang crispy pata ng nanay ko. pak lang kase di ako makakain ng balat at taba ng baboy the way i want to. control. apat na buwan nang ganito ang mantra ko, mula nung madiskubre naming si Kedron ay isa nang reyalidad. nag-worry nga ako ng konti nun, kase sabi nung unang gyne na pinuntahan namin, 7 weeks na si Kedron. nagbilang ako and owmayshet, zygote na siya nung huli naming inom (kung saan nabasag ni kimoy yung pitsel kase gusto nyang ibalik sa may-ari tapos nabitawan niya kasi hindi ko siya sinamahan dahil nagsusuka ako sa damuhan. spell lasheng).


apat na buwan na akong hindi makakain ng tsokolate at ice cream at will. at magdadalawang linggo na nang umpisahan kong maging makwenta sa aking food intake dahil hindi na ako pwedeng mag-gain ng lalampas sa 4 pounds dahil nung huling buwan e nakasampung libra ang weight gain ko. kumusta naman teh? alam kong hindi akin lahat un at isang pound mahigit na si Kedron, pero i do not want to take any chances. iiire ko ang batang ito, at kung michelin baby siya hindi ko magagawa yun. sabi ng gyne, fully formed na daw siya. kailangan na lang nyang magdeposit ng fats. and it won't do either of us any good kung mukha siyang marshmallow paglabas. kaya moderation is key. :/


tatlong buwan. pasasaan bat makakain ko rin ulit ang gusto ko, at sa gusto kong dami. pero higit sa kagustuhan kong lumamon ulet ay ang makita, mahawakan at mahalin ang napakagandang regalong ito.

i'll eat you up, i love you so


aysowkentpakingweyt.