27 September 2012

ay em so berigud

dahil nandito na naman ako. olats lang talaga. natapos ko naman yung article ko kanina, with 5 minutes remaining, hehe. ngayon kumuha ako ulit ng isa pang topic, at parang nananadyang napagkatihan ko na namang mag-post dito. ain't i something?

inisnab ako ng sm... 

mejo may katagalan na rin ang piktyur nato. noong panahon pa yan na mejo adik-adikan (not really talaga, you naman) pa ako sa facebook. pinost ko yan sa wall ko pero parang walang nakapansin ng wording ni sm shoemart. ako lang. tska si Chaichai tsaka two more friends na nagcomment at dalawa pa na nag-like pero dko sigurado kung gusto lang yung post ko dahil kamukha ni piolo pascual si liam hemsworth sa poster nato. wala naman akong balak makipag-away o magtaray o mang-okray talaga. ang gusto ko lang naman ay world peace. tsaka konting ayos naman sa spelling ba, ganun. tapos wala lang, inisnab lang ako. hindi rin pinalitan. okay lang kase kung isang tao lang ang may-ari ng site at nagkaron ng ganyang pagkakamali. pero kumusta naman kase, isa ang sm sa mga established na establishmento. institusyon. tapos sasabihin EXPANDABLES? tapos hindi ako pinansin nung tinanong ko kung nag-eexpand yung cast? anu ba yun?



para lang yung nakapaskil dun sa isang opisinang pinuntahan ni Chaichai para sana pagraketan.

huwag saktan, pagmalupitan, o awayin ang dingding dahil iiyak ang tao.

eto naman kasi kainti-intindi. malamang kase dahil hindi naman talaga super english-speaking ang mga tao sa lugar na yon. pero nag-uumeffort naman, diba? mali nga lang talaga. kung ako siguro ung drawing na tao dun iiyak din ako. pero hinde, hindi ako dudura. anlabo. paano kaya nila naisip na sa mata galing ang spittle? pero pwedeng ako ang mali eh. misteryo sakin to. kailangang matuklasan na baka nga may konekshon ang lachrymal sa salivary glands.


ang olats ko talaga

kase nandito talaga ako sa harap ng laptop para rumaket. kailangan ko pa kasing tumapos ng limang tig-wawampipti (sige na nga wamporti) pesos na articles para sa quota ko ngayong linggo. at pinangako ko sa sarili kong magtatapos ako ng isang article ngayon bago ako maghapunan mamayang alashete. 5:54 na. title palang ang nasusulat ko.

hindi ko alam kung anong klaseng nilalang ba ako. parang hindi ko kayang upuan ang isang gawin na hindi ako magpapa-distract. kung kelan dapat magsulat ako para sa kumikitang kabuhayan e tska ko naman napagkatihang buksan tong blog na to.at dahil natawa ako sa huling post ko, nainspire akong sumulat ng isa pa kahit na sa tingin ko e mas maganda pa rin yung huling post. aym chacha loser talaga.

cge na lang.pagbigyan ang hilig, at nang makabalik na sa nakabinbing article.

08-25-2012


yan ang eksenang tumambad sa akin noong nakaraang buwan. katatapos lang ng pang-umagang seremonyas ko nun, pero tanghali na rin kase batugan ako. hindi ko mapigilang kunan ng litrato.kase napakahiwaga. isang sagupaan sa pagitan ng dalawang karimarimarim na nilalang, at pareho silang patay. nakakatuwang isipin. sana araw-araw may ganyan, para na rin akong binibisita ni santa claus araw-araw. :D





10 September 2012

hallur hallur


yan, as promised, magiging diligent nako sa pagpopost ng entries (kung hindi ako tatamarin). isang araw na at kalahati pagkatapos kong alisin ang Facebook application sa aking telepono, at masaya naman ako na wala akong withdrawal symptoms. don't get me wrong. hindi ako adik. nasanay lang ako na maya't maya ay tinitingnan ko ang aking account (for lack of something to do ba - pero hindi rin kasi andami kong mas makabuluhang bagay na pwedeng gawin kesa nga mag-fb). pero nasuya na rin ako sa pagchecheck dahil pareparehong tao rin ang nakikita ko, parepareho lang halos ang tema ng status updates nila, and nothing is ever about me anymore. kaya BOYCOTT! ang sigaw ng aking damdamin - sa blog ko, everything is about me. yun nga lang, walang interasksyon dahil wala akong audience. aym chacha loser.

kasalukuyan kong sinusulat ang post na to sa aking telepono, habang hinihintay ko ang nanay ko na matapos sa verification ng kanyang ez ez ez! membership na magbibigay ng daan sa pagkakaroon nya ng ez ez ez! id para sa ikauunlad ng bayan (okay hindi ng bayan dahil nanay ko lang naman ang makikinabang sa id nya). andaeng tao. buti mejo maaga kame at kung papalarin ay hindi na aabutan ng lunch break (at buong akala ko lahat ng public offices sa i love my own my native land Philippines my Philippines ay wala nang lunch break lekat).

sabi ko nga kahapon marami akong naipong bala kaya hindi ko alam alin ang uunahin ko. ito na lang siguro:

ang Nimbus 2000 ng mga toothbrush


likas akong maarte (kahit hindi mashadong bagay sa akin) at lalo pang umarte nang magkaron ako ng Octopus sa chan. nung isang gabi -dahil sa nangangapal kong mga daliri at sa palala nang palala kong kalampahan (na parehong dahil kay Octopus) - ay nabitawan ko ang tutbrash ko habang ako'y nagsesepilyo so natural nahulog sa sahig ng banyo ang walang kawawaang sepilyo (ewwww, there's no way i am ever gonna use that toothbrush again, sabi ng maarte kong sarili). mejo ilang araw ko na rin namang kino-contemplate ang pagpapalit ng tusbrash, pero dahil hindi pa ako nakakabili ng bago, ipinagpaliban ko muna. nung mahulog nung isang gabi, sabi ko, ah, panahon na talaga para palitan, kaya binasura ko na ito. kaso kinabukasan, wala akong magamit, at bibili pa lang ako pagkatapos naming magsimba. alangan namang magsimba ako ng hindi nagsisipilyo, diba? e tutal bibili rin naman ako maya-maya, naisip kong kumuha ng isa sa mga nakaplastic na tutbrash ng nanay ko sa kabinet nya - yung mga tutbrash na compliments of chenelyn barbar na may kasamang maliliit ng bote ng conditioner at shampoo at bilog na sabon (hoy hoy hoy wag berde ang utak, galing sa lehitimong hotel ang mga yan, pero parang magtatatlong taon na silang nasa kabinet kase alam ko ako pa ang nagbigay sa kanya ng mga yun nung dating ipinadala ako ng talyer na pinagtatrabahuhan ko sa isang branch na malapit sa tirahan ng nanay ko. suskopo napakahabang digression nito) - at ginamit para luminis ang aking teeth at ma-freshen ang aking breath.

it was amazing! sa tatlong strokes lang, MUNTIK KO NANG MAKAIN ANG BRISTLES.

totoong xa ang Nimbus 2000 ng mga toothbrush dahil para akong nag-dessert ng walis tingting!

kaya hindi rin ako nakapagsipilyo ng maayos bago ako magsimba. sabi ko babawi na lang ako pag nakabili na ako ng bago, which i did. moral of the story: bumili ng reserbang tutbrash na pwedeng magamit in case of emergencies lalo na kung nuknukan ka ng arte.

ay teynk yu.

09 September 2012

well well well

i want to turn over a new leaf kaya inalis ko ang facebook application sa aking teleponong krung-krung. sabi ko kay Chaichai, gusto kong maging active sa blogosphere for the meanwhile, dahil nagsasawa nako sa kakatingin sa status updates ng mga prens ko sa fb.

so eto. mejo marami-rami naman akong balang blog-worthy sa tingin ko. sana araw-araw akong makapag-post, hehe. gudlak saken. XD