kase nandito talaga ako sa harap ng laptop para rumaket. kailangan ko pa kasing tumapos ng limang tig-wawampipti (sige na nga wamporti) pesos na articles para sa quota ko ngayong linggo. at pinangako ko sa sarili kong magtatapos ako ng isang article ngayon bago ako maghapunan mamayang alashete. 5:54 na. title palang ang nasusulat ko.
hindi ko alam kung anong klaseng nilalang ba ako. parang hindi ko kayang upuan ang isang gawin na hindi ako magpapa-distract. kung kelan dapat magsulat ako para sa kumikitang kabuhayan e tska ko naman napagkatihang buksan tong blog na to.at dahil natawa ako sa huling post ko, nainspire akong sumulat ng isa pa kahit na sa tingin ko e mas maganda pa rin yung huling post. aym chacha loser talaga.
cge na lang.pagbigyan ang hilig, at nang makabalik na sa nakabinbing article.
 |
08-25-2012
|
yan ang eksenang tumambad sa akin noong nakaraang buwan. katatapos lang ng pang-umagang seremonyas ko nun, pero tanghali na rin kase batugan ako. hindi ko mapigilang kunan ng litrato.kase napakahiwaga. isang sagupaan sa pagitan ng dalawang karimarimarim na nilalang, at pareho silang patay. nakakatuwang isipin. sana araw-araw may ganyan, para na rin akong binibisita ni santa claus araw-araw. :D
No comments:
Post a Comment