yan, as promised, magiging diligent nako sa pagpopost ng entries (kung hindi ako tatamarin). isang araw na at kalahati pagkatapos kong alisin ang Facebook application sa aking telepono, at masaya naman ako na wala akong withdrawal symptoms. don't get me wrong. hindi ako adik. nasanay lang ako na maya't maya ay tinitingnan ko ang aking account (for lack of something to do ba - pero hindi rin kasi andami kong mas makabuluhang bagay na pwedeng gawin kesa nga mag-fb). pero nasuya na rin ako sa pagchecheck dahil pareparehong tao rin ang nakikita ko, parepareho lang halos ang tema ng status updates nila, and nothing is ever about me anymore. kaya BOYCOTT! ang sigaw ng aking damdamin - sa blog ko, everything is about me. yun nga lang, walang interasksyon dahil wala akong audience. aym chacha loser.
kasalukuyan kong sinusulat ang post na to sa aking telepono, habang hinihintay ko ang nanay ko na matapos sa verification ng kanyang ez ez ez! membership na magbibigay ng daan sa pagkakaroon nya ng ez ez ez! id para sa ikauunlad ng bayan (okay hindi ng bayan dahil nanay ko lang naman ang makikinabang sa id nya). andaeng tao. buti mejo maaga kame at kung papalarin ay hindi na aabutan ng lunch break (at buong akala ko lahat ng public offices sa i love my own my native land Philippines my Philippines ay wala nang lunch break lekat).
sabi ko nga kahapon marami akong naipong bala kaya hindi ko alam alin ang uunahin ko. ito na lang siguro:
 |
ang Nimbus 2000 ng mga toothbrush |
likas akong maarte (kahit hindi mashadong bagay sa akin) at lalo pang umarte nang magkaron ako ng Octopus sa chan. nung isang gabi -dahil sa nangangapal kong mga daliri at sa palala nang palala kong kalampahan (na parehong dahil kay Octopus) - ay nabitawan ko ang tutbrash ko habang ako'y nagsesepilyo so natural nahulog sa sahig ng banyo ang walang kawawaang sepilyo (ewwww, there's no way i am ever gonna use that toothbrush again, sabi ng maarte kong sarili). mejo ilang araw ko na rin namang kino-contemplate ang pagpapalit ng tusbrash, pero dahil hindi pa ako nakakabili ng bago, ipinagpaliban ko muna. nung mahulog nung isang gabi, sabi ko, ah, panahon na talaga para palitan, kaya binasura ko na ito. kaso kinabukasan, wala akong magamit, at bibili pa lang ako pagkatapos naming magsimba. alangan namang magsimba ako ng hindi nagsisipilyo, diba? e tutal bibili rin naman ako maya-maya, naisip kong kumuha ng isa sa mga nakaplastic na tutbrash ng nanay ko sa kabinet nya - yung mga tutbrash na compliments of chenelyn barbar na may kasamang maliliit ng bote ng conditioner at shampoo at bilog na sabon (hoy hoy hoy wag berde ang utak, galing sa lehitimong hotel ang mga yan, pero parang magtatatlong taon na silang nasa kabinet kase alam ko ako pa ang nagbigay sa kanya ng mga yun nung dating ipinadala ako ng talyer na pinagtatrabahuhan ko sa isang branch na malapit sa tirahan ng nanay ko. suskopo napakahabang digression nito) - at ginamit para luminis ang aking teeth at ma-freshen ang aking breath.
it was amazing! sa tatlong strokes lang, MUNTIK KO NANG MAKAIN ANG BRISTLES.
totoong xa ang Nimbus 2000 ng mga toothbrush dahil para akong nag-dessert ng walis tingting!
kaya hindi rin ako nakapagsipilyo ng maayos bago ako magsimba. sabi ko babawi na lang ako pag nakabili na ako ng bago, which i did. moral of the story: bumili ng reserbang tutbrash na pwedeng magamit in case of emergencies lalo na kung nuknukan ka ng arte.
ay teynk yu.