•kumain ng chippy at uminom ng coke
•magtae sa pag-ubos ng isang malaking cadbury bar at magpakalunod sa chocolate milk drink at mangilo sa kakakain ng chocolate ice cream
•bumalik sa hustle and bustle (weh) ng gy shift bilang support staff sa pamosong kolsenter na dati mong pinagtrabahuhan o kaya nama'y sumunod sa dati mong boss sa bago nyang pinapasukang kolsenter
•magbyahe at maglustay ng pera sa pagbabakasyon dahil inip ka na sa pagiging bum
•mag-calisthenics sa kama (oo yung bastos na calisthenics)
•sapakin yung taong nagsabi sayong "huy, minamanas ka na yata!" sa isang social networking site (at hindi pa sa sarili mong account nya sinabi yun. the nerd ng babaing iyon!)
•warakin lahat ng luma mong damit dahil wala nang magkasha sayo
pero dimo magawa.
otherwise it's okay. otherwise it's nakakatuwa. lalo na pag nararamdaman mong gumagalaw ang bata sa loob (assuming na babae ka, nasa tamang edad at may maayos na reproductive system) mo. minsan di pa rin ako makapaniwala na may milagrong nangyayari sa loob ng katawan ko at lalabas siya in 3 and a half months.
nakakaexcite pero nakakatakot. sana maging mabuting nanay ako kay Kedron. hindi ko alam kung sa tanda kong ito ay meron na akong maturity para magtaguyod ng isang batang pinapangarap at dinarasal kong maging isang mabuting tao. pero 3 1/2 months pa naman yun. meron pakong oras para enjoyin ang pagiging isip-bata ko. until then, pede pakong gumawa ng videos na ganito:
this is my blog. i post as i please. walang mangengelam.
No comments:
Post a Comment