pero kesa imukmok ko to, magpopost na lang ako ng mga never before seen (at least not in this blog) shots ko sa lupa ng mga japayuki, ay SG pala.hihi.
![]() |
spell serendipitous ^_^ |
patawad pero napakatagal ng biyahe at nakatayo ako sa tren ng kulang kulang isang oras. kulang kulang isang oras ko ring tinititigan ang ad na yan kase wala lang akong magawa. wala pakong Kindle Touch (uy sowshal!) ng mga panahong yan at hindi pa sumusuko sa laban ang (t)rusty Samsung Omnia kaya siya lang ang pampaalis ng lumbay sa haba ng biyaheng ito. shempre sumakit ang paa ko at hiniling ko sa cosmic powers na sana may tumayo nang makaupo ako. nasunod naman ang hiling ko. kaso me umupo sa bakanteng upuan. at iyon ay walang iba kundi ang lalaking eto. at madali siyang natulog. tapos ting! sabi ng bumbilya sa utak ko. pero hindi ko naman dali-daling kinunan yan. kase nag-isip din ako. nahiya. meron pa rin naman ako nun, tsaka kasi me nakatayo sa tabi ko. kaya sobrang ingat ang ginawa ko jan. nagbunga naman.
tutal nasa topic na rin tayo ng tren, eto ang isang classic na gawain ng mga tao habang nakasakay lalo na't mahaba-haba ang lakbayin. naiintindihan ko naman si lola eh. maraming beses na rin naman akong naganyan sa katabi ko, at hindi ako kumpiyansang walang kasing-baliw ko sa SG na kumuha na rin ng video ko habang natutulog ako sa balikat nila. sa katunayan gusto ko siyang gisingin at sabihing, "lola, nahihirapan ako sa ginagawa mo, gusto mo humiga ka na lang sa lap ko?" pero baka hindi siya marunong ng english at mapahiya pako sa pagkakawanggawa ko, hinayaan ko na lang siya. buhay nya yan eh. pero dahil sa balikat ko naman siya humihiga, nagdesisyon nako na kunan siya ng video. para quits ba. nakakahiya naman saken, diba?
ayan ayan tinamad na naman ako. kung susuwertehin, meron ulit akong post bukas o sa isang araw. kung mamalasin, bibilang na naman ng buwan bago makakita ulit ng sinag ng araw ang blog na ito. hay buhay.
No comments:
Post a Comment