18 June 2012

pregnancy's a bitch

lalo na't gusto mong:
•kumain ng chippy at uminom ng coke
•magtae sa pag-ubos ng isang malaking cadbury bar at magpakalunod sa chocolate milk drink at mangilo sa kakakain ng chocolate ice cream
•bumalik sa hustle and bustle (weh) ng gy shift bilang support staff sa pamosong kolsenter na dati mong pinagtrabahuhan o kaya nama'y sumunod sa dati mong boss sa bago nyang pinapasukang kolsenter
•magbyahe at maglustay ng pera sa pagbabakasyon dahil inip ka na sa pagiging bum
•mag-calisthenics sa kama (oo yung bastos na calisthenics)
•sapakin yung taong nagsabi sayong "huy, minamanas ka na yata!" sa isang social networking site (at hindi pa sa sarili mong account nya sinabi yun. the nerd ng babaing iyon!)
•warakin lahat ng luma mong damit dahil wala nang magkasha sayo

pero dimo magawa.

otherwise it's okay. otherwise it's nakakatuwa. lalo na pag nararamdaman mong gumagalaw ang bata sa loob (assuming na babae ka, nasa tamang edad at may maayos na reproductive system) mo. minsan di pa rin ako makapaniwala na may milagrong nangyayari sa loob ng katawan ko at lalabas siya in 3 and a half months. 

nakakaexcite pero nakakatakot. sana maging mabuting nanay ako kay Kedron. hindi ko alam kung sa tanda kong ito ay meron na akong maturity para magtaguyod ng isang batang pinapangarap at dinarasal kong maging isang mabuting tao. pero 3 1/2 months pa naman yun. meron pakong oras para enjoyin ang pagiging isip-bata ko. until then, pede pakong gumawa ng videos na ganito:


this is my blog. i post as i please. walang mangengelam.

13 June 2012

nanonood si Chaichai ng dante varona starrer sa tv

tapos tinawag nyako at sinabing pinapanood nga nya yung pelikula. eto naman ako pumunta para tingnan yung tv kahit mag-iisang oras nakong nakatunganga sa harap ng laptop sa aking makeshift opisina dahil may article akong kailangang tapusin (wanpipti rin to, uy. pang-big mac din to. o kaya kahit fries lang. tsaka sana coke float kaso bawal ang soda at caffeine kaya sige fries na lang).

my dilemma T_T
so ngayon hindi ako makapag-decide kung sino ang mas mahal ko sa kanilang dalawa. pak.

08 June 2012

sige nga

san ka nakakita ng baby shower na ang nanay-to-be ang organizer? aber? aber?

nakakainis lang. hindi ko kasi dapat inuurat ang sarili ko. yung baby shower excuse ko lang naman para magkita-kita ulit kami lahat after two years. gusto ko lang silang makita ulit. makasama ba. pero wala sa mga so-called friends ko ang gumagalaw para mag-ayos ng kahit ano. puro hintayan lang.

oo naiintindihan ko busy sila at bum ako. pero hindi naman siguro kalabisan ang magtext lang sila pag off nila para lang sana mapag-usapan sana na uy, sige kitain natin ulit ang ating so-called friends, lalo na yung buntis. kaso wala.

so eto, i'm fuming. nakakaiyak. hindi nyo ako dapat sina-subject sa ganiton klaseng emotional torture! jontis akey!

pakdatshit.

06 June 2012

hindi porket nag-post ako ngayon

e okay nako.

kasi hindi pa rin. tinatamad pa rin ako. at inaantok. anlaki naman kasi ng problema ko eh. bakit kaya hindi na lang ako matulog diba? pwede naman yon. gabi naman, hindi na ganon kainit. ginagawa ko lang komplikado ang buhay ko.

kaya sige, matutulog na ako. pero bago yan, gusto ko lang i-air ang isyu ko sa oranges. yung prutas ba. kailangan ko kasing magkakain ng prutas at gulay dahil kay Kedron. kaya kahit mejo mahal ang prutas kailangang kumain ako ng prutas. so merong oranges sa ref. oo merong google pero nararamdaman ko na ang pagsakit ng ulo ko kaya wala akong pasenshang hanapin kung anong klase sila.

gusto ko lang ipaalam na naiinis ako sa pagkain sa kanila kasi lahat sila ganito ang ichura:

are you trying to spite me?
mula abril, lahat ng nakakain kong kahel me anak sa dulo. as in lahat. sa tuwing magbabalat ako hinihiling ko na makakuha ako ng normal. yung single. yung kinagisnan ko. shempre di naman big deal ito sa karaniwang tao, pakiramdam ko gusto pa nga nila yan kase parang me extra. may bonus. pero bonus my as* because it freaks me out.

ayan dahil sa asar ginoogle ko na rin. navel oranges pala sila. natural sa kanila ang ganyan. pero kahit na. ayoko pa ring nakikita yung bubwit sa gitna. pusod daw yun. paki ko ba.

well well well, kahel. @_@

05 June 2012

bored at inaantok pa rin ako

pero kesa imukmok ko to, magpopost na lang ako ng mga never before seen (at least not in this blog) shots ko sa lupa ng mga japayuki, ay SG pala.hihi.

spell serendipitous ^_^

patawad pero napakatagal ng biyahe at nakatayo ako sa tren ng kulang kulang isang oras. kulang kulang isang oras ko ring tinititigan ang ad na yan kase wala lang akong magawa. wala pakong Kindle Touch (uy sowshal!) ng mga panahong yan at hindi pa sumusuko sa laban ang (t)rusty Samsung Omnia kaya siya lang ang pampaalis ng lumbay sa haba ng biyaheng ito. shempre sumakit ang paa ko at hiniling ko sa cosmic powers na sana may tumayo nang makaupo ako. nasunod naman ang hiling ko. kaso me umupo sa bakanteng upuan. at iyon ay walang iba kundi ang lalaking eto. at madali siyang natulog. tapos ting! sabi ng bumbilya sa utak ko. pero hindi ko naman dali-daling kinunan yan. kase nag-isip din ako. nahiya. meron pa rin naman ako nun, tsaka kasi me nakatayo sa tabi ko. kaya sobrang ingat ang ginawa ko jan. nagbunga naman.


tutal nasa topic na rin tayo ng tren, eto ang isang classic na gawain ng mga tao habang nakasakay lalo na't mahaba-haba ang lakbayin. naiintindihan ko naman si lola eh. maraming beses na rin naman akong naganyan sa katabi ko, at hindi ako kumpiyansang walang kasing-baliw ko sa SG na kumuha na rin ng video ko habang natutulog ako sa balikat nila. sa katunayan gusto ko siyang gisingin at sabihing, "lola, nahihirapan ako sa ginagawa mo, gusto mo humiga ka na lang sa lap ko?" pero baka hindi siya marunong ng english at mapahiya pako sa pagkakawanggawa ko, hinayaan ko na lang siya. buhay nya yan eh. pero dahil sa balikat ko naman siya humihiga, nagdesisyon nako na kunan siya ng video. para quits ba. nakakahiya naman saken, diba?

ayan ayan tinamad na naman ako. kung susuwertehin, meron ulit akong post bukas o sa isang araw. kung mamalasin, bibilang na naman ng buwan bago makakita ulit ng sinag ng araw ang blog na ito. hay buhay.


okey okey

so mejo matagal na nga bago ako huling nag-post dito. okey matagal na matagal na. andae na ngang nangyari. nalaman kong may Kedron na kami ni Chaichai (yahooo!), umalis na kami sa bansa ng mga japayuki, at naubos na ng nanay ko ang mga tsokolateng uwi ko (actually meron pang isang Cadbury bar kase tinitipid nya para raw umabot hanggang sa umuwi ung kaibigan kong mula SG at magdala ng tsokolate para sa kanya), at nakalimalibong beses na ata akong umupo sa harap ng laptop na ito para maghanap ng work from home job pero wala pa ring nangyayari.

e kase naman nakakatamad. ang init. ang ingay. higit sa lahat, nakakaantok. namimiss ko na ang trabaho sa kolsenter. at ayoko nang sumubok mag-agent ulet. not my cup of tsokolate-e. gusto ko nang maging lord of the floor or something to that effect ulit, na kahit hindi ako sikat dahil nangtsustsugi ako ng trainee, e mataas ng konte ang regard for me.

so ngayon naka-tengga pa rin ako. merong konteng raket na pinagkakakitaan ko ng mga wan handred terti samting per day kung masipag ako, pero sobra ngang tinatamad ako. subra! kundi youtube, facebook. nakakabaog. at alam kong ako lang ang pedeng tumulong sa sarili ko, pero wala akong magawaaaa.... kase nga nga inaantok ako. palagi. araw-araw. potek.