19 June 2011

madaling araw na

pero linggo naman, kaya keri lang. wala naman akong pasok (woot woot, as if. kakareport ko pa lang kahapon sa trabaho) sa umaga. mejo inaantok na rin ako, pero mejo feeling ko lang magbampira ngayon jaspordahekopit. e wala naman akong maisip na gawin kaya andito na naman ako. hay. kung meron lang sanang nagbabasa nito maliban kay Chaichai, edi sana nagkakaroon ng konting interaction with my audience (maliban pa sa ego rub na makukuha ko from knowing that what i have to say is worth listening to, kahit bull halos ang content ko :D). oo, pede naman akong magblog sa fb, pero kahit papano, dito may anonimity. hindi ko na kailangang takpan ang mukha ko, as shown in exhibit a:


with my good friend, Carol
***makikita nyo rin po, your honor, ang ebidensiya ng double chin, at ang lapad ng braso ng nasasakdal. braso po yan, your honor, at hindi paddle pang-hazing. ang larawan ay isa pa rin pong patotoo, your honor, na ang nasasakdal ay nakasuot ng puti, at hindi maikukubling may kalakihan ang kanyang katawan.***

binubugaw ko naman ang blog ko sa fb. bakit kaya walang nagbabasa? natatakot ba silang mag-click ng link for fear na hacker ako at pag clinick nila ang link ko ay makukuha ko lahat ng information nila? kailangan ko ba ng mas masigasig na marketing strategy? kailangan ko lang ba talagang tanggapin na wala nang posisyon ang mga blogs sa interwebs dahil nasa fb na lahat?

watever, tim weber.

kapag tayo'y matanda na

sana'y di tayo magbago
kailanman, nasan man, ito ang pangarap ko
makuha mo pa kayang ako'y hagkan at yakapin
hanggang sa pagtanda natin?
nagtatanong lang sa'yo,
ako pa kaya'y iibigin mo
kung maputi na ang buhok ko?


awww
ang sabihing namimiss ko si Chaichai ay isang understatement. i have never missed anyone like this in my entire life. ever. hindi naman siguro corny kung kinunan ko ng picture tong matandang couple na to sa tren, no? ang cute kasi (buti na nga lang di nila ako napansin dahil si mister ay mejo malaki at si misis ay payat pero halatang toned ang katawan bunga malamang ng pagwowork out mula pa sa kanyang early years - shempre ginawan ko na naman ng kwento ang buhay nya). sana hanggang pagtanda namin ni Chaichai ganyan kami.

can i make senti, lah?

17 June 2011

so much for katamaran

kaya mag-a-update nako. :D

pero dahil tamad ako, di naman ako susulat ng marami...ipopost ko lang ung mga anik-anik na sinulat ko sa phone ko once upon a time in china, er, singapore pala (oo. aaminin ko na, hindi talaga ako nagjapayuki - dalawang buwan nakong narito sa lupain ng chicken rice na masarap naman sa umpisa, pero...teka etong thought na ito ay magwawarrant ng isang buong post on its own, at meron akong agenda at napakahaba na ng digression na ito. bakit ba naimbento ang stream of consciousness? >.< )

happy reading (sa aken at kay Chaichai, dahil parang kaming dalawa lang ang nagbabasa ng blog ko kahit na pinipimp ko to sa fb...hehe). :D

hindi naman ako maarte

pero hindi ko talaga kayang tanggapin na sa twing sasakay ako ng bus o tren, hindi ko maiiwasang makaamoy ng kilikili. pero wag ka - ito ay hindi normal garlic kilikili smell, kundi curry inspired putok na not fof the faint-hearted. minsan (tulad ngayon) tuloy nagdududa ako sa sarili ko - baka sa akin galing ang spicy, ever-unfragrant na pag-alingasaw na yun >.<

hindi nakakatuwa.

masarap ang chicken curry ni Chaichai, pero pag-uwi ko, hindi muna siguro ako magrerekwes na ipagluto niya ako nun. baka hindi ko kayanin. which brings me to the core of this post: uuwi na ako. at the side of my mind (hindi back kasi more than subconsciously aware pero less than consciously aware - oo, gawa-gawa ko lang 'to wag kang makelam pakyu), alam kong sourgraping ang ginagawa ko. pero kung sourgraping to, pwede bang may magpaliwanag sakin kung bakit relief, at di regret, ang nararamdaman ko?

this is some kind of a weird - hindi ko rin kayang ipaliwanag sa sarili ko.


-09Jun2012-

the waiting game

antagal ni dang. naiihi nako. parang gusto ko na ring majebs. sa totoo lang, di ko naman siya dapat hinihintay. wala rin naman akong business sa pupuntahan niya, pero dahil epal akong kaibigan, sasamahan ko siya.

ayun.
sinamahan ko nga si dang, at dahil epal ako, nagfill-out din ako ng application form, at nagpainterbyu rin (insert poker face here). nasa bus ako ngayon para sa second interview (is this some kind of a what). pero sabi ko nga kay Chaichai, no expectations. dahil pag nakuha ako dito (poker face ulet), hindi ako makakauwe sa biyernes (insert sad face here).


nakakatuwang isiping nakikipagkulitan si Papa Jesus saken (and i don't mean that in a bad way). na sinasabayan lang niya ang kulit ko. pero pak, leyt ako sa interbyu (ano ba'ng bago). pero wala pa naman yata ang mang-iinterbyu. naiihi ako. like, wiwi, ganun (insert ngiwi face here).


10Jun2012

ang backstory

para sa kaalaman ng mga maliligaw sa blog ko, magkkwento ako ng konti. konti lang (pero baka dumami dahil madaldal ako).

dapat uuwi na ako sa pinas mula sa singapore. dapat sa mga oras na ito, nagpapahinga kami ni Chaichai (dahil siguradong magleleave siya sa trabaho para sunduin ako). pero nasa office ang Chaichai ko, at andito ako, nagkukwento.

para hindi mashadong boring, gawin nating Q & A:

Q: Bakit ka nasa Singapore?
A: dahil nahila ako ng aking butihing kaibigan na si soy. subukan daw namin maghanap ng trabaho dito. maraming pinoy, malapit sa pinas, di katulad ng dubai. naisip ko, bakit hindi? wala namang mawawala. at merong pagkakataon, so sige teh, gora ako jan.

Q: Kelan ka pa sa Singapore?
A: dalawang buwan bukas, antagal no? lalo na't wala dito ang Chaichai ko. :(

Q: May nahanap ka bang trabaho?
A: sa kabutihan ni Papa Jesus, meron - kung kelan nagdecide na ako na ayaw ko na dito, kung kelan sinabi ko na sa sarili ko na ah, hindi siguro talaga ako para sa lugar na ito dahil hindi ako necessity dito, dun pa ako nakachambang makakilala ng employer na gusto ako - kung kelan tinigilan ko na ang pagsesend ng online applications at tumigil sa pagbili ng jaryo araw-araw para sa job postings at tumigil sa pagsugod sa walk-in interviews kaliwa't kanan. nakakatuwa talaga. nung sinamahan ko si dang (bagong dating kasi siya, at dahil may trabaho na si win, sa akin naatang ang kusa na tumulong dahil parang alam ko na ang pasikut-sikot dito) wala talaga akong balak mag-apply kasi handang-handa na akong umuwi. nabili ko na ng pasalubong si Chaichai at iniisip ko na kung ano'ng ipapasalubong ko kay mommy at mama. pero may makulit na bumubulong habang nagpi-fill out ng application si dang. "sige na. last chance. what have you got to lose? anu't anuman, uuwi ka pa rin. sayang ang natitirang printed out resumes mo sa bag. ten cents per page din yan." ayun. fill out. interview. kinabukasan, second interview. same day, inapply ng work pass. after a day, na-approve ang pass. medical exam: check. naghihintay na lang ng go-signal mula sa hr para mag-umpisa. after two months! ang kulit lang. sobrang rak en rol talaga si Papa Jesus. sankapa?

Q: Maganda ba sa Singapore?
A: maayos ang traffic. walang hassle. malinis compared sa pinas. pero ang mahal ng housing and accommodation. mejo mahal din ang pagkain kung nagcoconvert ka, pero walang bagay na perpekto. kaya kahit na nakakatrauma minsan dahil may biglang dadaan na amoy hindi naligo mula nang ipanganak siya, kahit na ang paboritong prutas dito ay durian (sa lahat naman ng pwedeng gawing peborit pruts), kahit na mahirap intindihin ang singlish (eating here, take away?), keri. doble ang kita dito, kaya can, lah!

Q: Mabait ba ang Singaporeans?
A: meron kaming nakilalang sobrang bait na singaporeans - walang kupas ang support sa amin. pero generally, okay lang. sabi nga nung ceo na nagsecond interview sa akin, hindi sila tulad ng mga pinoy na kahit kanino hospitable. depende daw sa individual. and i couldn't agree more - andami rin naming nakilalang pinoy dito na ambabait - tulong dito, tips jan. pero shempre meron ding mangilan-ngilan na mayabang dahil matagal na sila dito. kebs ko ba. magttrabaho na rin ako dito, and unlike them, i'm gonna pay it forward, sinu-sino pa ba'ng magtutulungan kundi pinoy at pinoy din, diba? at siguro in a way, naiintindihan ko rin kung bakit hindi welcoming ang general public - melting pot kasi ito ng iba't-ibang lahi, at malamang confused and defensive sila without them knowing it. siguro kung ganito rin ang pinas we would be forced to turn in on ourselves at maging masungit din. hehe.

Q: Kailangan ko pa bang magtanong kahit wala na akong maisip?
A: wag na. ang haba na nito, may next post pako. :D

nightcap

sorry, hindi ko talaga mapigilang kunan ng picture tong mga to. sorry talagaaaaaaaaaaaaa... T_T

hindi kasi ako makapagdecide kung sago to o itlog ng isda. +_+

eto mas malapit :D

can you spell stage lights? blurred nga lang ung picture. kailangan ko kasing i-zoom. malayo ako. :s



maraming dishes dito na may sahog na mushroom in abundance. mura siguro, kaya pati sapatos, meron. \m/



and this caps tonight's showcase: meringue-inspired footwear. o kaya ung ruffles sa damit. n_n




parang magiging hobby ko na to. matutulog na nga ako. -_-