17 June 2011

ang backstory

para sa kaalaman ng mga maliligaw sa blog ko, magkkwento ako ng konti. konti lang (pero baka dumami dahil madaldal ako).

dapat uuwi na ako sa pinas mula sa singapore. dapat sa mga oras na ito, nagpapahinga kami ni Chaichai (dahil siguradong magleleave siya sa trabaho para sunduin ako). pero nasa office ang Chaichai ko, at andito ako, nagkukwento.

para hindi mashadong boring, gawin nating Q & A:

Q: Bakit ka nasa Singapore?
A: dahil nahila ako ng aking butihing kaibigan na si soy. subukan daw namin maghanap ng trabaho dito. maraming pinoy, malapit sa pinas, di katulad ng dubai. naisip ko, bakit hindi? wala namang mawawala. at merong pagkakataon, so sige teh, gora ako jan.

Q: Kelan ka pa sa Singapore?
A: dalawang buwan bukas, antagal no? lalo na't wala dito ang Chaichai ko. :(

Q: May nahanap ka bang trabaho?
A: sa kabutihan ni Papa Jesus, meron - kung kelan nagdecide na ako na ayaw ko na dito, kung kelan sinabi ko na sa sarili ko na ah, hindi siguro talaga ako para sa lugar na ito dahil hindi ako necessity dito, dun pa ako nakachambang makakilala ng employer na gusto ako - kung kelan tinigilan ko na ang pagsesend ng online applications at tumigil sa pagbili ng jaryo araw-araw para sa job postings at tumigil sa pagsugod sa walk-in interviews kaliwa't kanan. nakakatuwa talaga. nung sinamahan ko si dang (bagong dating kasi siya, at dahil may trabaho na si win, sa akin naatang ang kusa na tumulong dahil parang alam ko na ang pasikut-sikot dito) wala talaga akong balak mag-apply kasi handang-handa na akong umuwi. nabili ko na ng pasalubong si Chaichai at iniisip ko na kung ano'ng ipapasalubong ko kay mommy at mama. pero may makulit na bumubulong habang nagpi-fill out ng application si dang. "sige na. last chance. what have you got to lose? anu't anuman, uuwi ka pa rin. sayang ang natitirang printed out resumes mo sa bag. ten cents per page din yan." ayun. fill out. interview. kinabukasan, second interview. same day, inapply ng work pass. after a day, na-approve ang pass. medical exam: check. naghihintay na lang ng go-signal mula sa hr para mag-umpisa. after two months! ang kulit lang. sobrang rak en rol talaga si Papa Jesus. sankapa?

Q: Maganda ba sa Singapore?
A: maayos ang traffic. walang hassle. malinis compared sa pinas. pero ang mahal ng housing and accommodation. mejo mahal din ang pagkain kung nagcoconvert ka, pero walang bagay na perpekto. kaya kahit na nakakatrauma minsan dahil may biglang dadaan na amoy hindi naligo mula nang ipanganak siya, kahit na ang paboritong prutas dito ay durian (sa lahat naman ng pwedeng gawing peborit pruts), kahit na mahirap intindihin ang singlish (eating here, take away?), keri. doble ang kita dito, kaya can, lah!

Q: Mabait ba ang Singaporeans?
A: meron kaming nakilalang sobrang bait na singaporeans - walang kupas ang support sa amin. pero generally, okay lang. sabi nga nung ceo na nagsecond interview sa akin, hindi sila tulad ng mga pinoy na kahit kanino hospitable. depende daw sa individual. and i couldn't agree more - andami rin naming nakilalang pinoy dito na ambabait - tulong dito, tips jan. pero shempre meron ding mangilan-ngilan na mayabang dahil matagal na sila dito. kebs ko ba. magttrabaho na rin ako dito, and unlike them, i'm gonna pay it forward, sinu-sino pa ba'ng magtutulungan kundi pinoy at pinoy din, diba? at siguro in a way, naiintindihan ko rin kung bakit hindi welcoming ang general public - melting pot kasi ito ng iba't-ibang lahi, at malamang confused and defensive sila without them knowing it. siguro kung ganito rin ang pinas we would be forced to turn in on ourselves at maging masungit din. hehe.

Q: Kailangan ko pa bang magtanong kahit wala na akong maisip?
A: wag na. ang haba na nito, may next post pako. :D

No comments:

Post a Comment