27 September 2012

ay em so berigud

dahil nandito na naman ako. olats lang talaga. natapos ko naman yung article ko kanina, with 5 minutes remaining, hehe. ngayon kumuha ako ulit ng isa pang topic, at parang nananadyang napagkatihan ko na namang mag-post dito. ain't i something?

inisnab ako ng sm... 

mejo may katagalan na rin ang piktyur nato. noong panahon pa yan na mejo adik-adikan (not really talaga, you naman) pa ako sa facebook. pinost ko yan sa wall ko pero parang walang nakapansin ng wording ni sm shoemart. ako lang. tska si Chaichai tsaka two more friends na nagcomment at dalawa pa na nag-like pero dko sigurado kung gusto lang yung post ko dahil kamukha ni piolo pascual si liam hemsworth sa poster nato. wala naman akong balak makipag-away o magtaray o mang-okray talaga. ang gusto ko lang naman ay world peace. tsaka konting ayos naman sa spelling ba, ganun. tapos wala lang, inisnab lang ako. hindi rin pinalitan. okay lang kase kung isang tao lang ang may-ari ng site at nagkaron ng ganyang pagkakamali. pero kumusta naman kase, isa ang sm sa mga established na establishmento. institusyon. tapos sasabihin EXPANDABLES? tapos hindi ako pinansin nung tinanong ko kung nag-eexpand yung cast? anu ba yun?



para lang yung nakapaskil dun sa isang opisinang pinuntahan ni Chaichai para sana pagraketan.

huwag saktan, pagmalupitan, o awayin ang dingding dahil iiyak ang tao.

eto naman kasi kainti-intindi. malamang kase dahil hindi naman talaga super english-speaking ang mga tao sa lugar na yon. pero nag-uumeffort naman, diba? mali nga lang talaga. kung ako siguro ung drawing na tao dun iiyak din ako. pero hinde, hindi ako dudura. anlabo. paano kaya nila naisip na sa mata galing ang spittle? pero pwedeng ako ang mali eh. misteryo sakin to. kailangang matuklasan na baka nga may konekshon ang lachrymal sa salivary glands.


ang olats ko talaga

kase nandito talaga ako sa harap ng laptop para rumaket. kailangan ko pa kasing tumapos ng limang tig-wawampipti (sige na nga wamporti) pesos na articles para sa quota ko ngayong linggo. at pinangako ko sa sarili kong magtatapos ako ng isang article ngayon bago ako maghapunan mamayang alashete. 5:54 na. title palang ang nasusulat ko.

hindi ko alam kung anong klaseng nilalang ba ako. parang hindi ko kayang upuan ang isang gawin na hindi ako magpapa-distract. kung kelan dapat magsulat ako para sa kumikitang kabuhayan e tska ko naman napagkatihang buksan tong blog na to.at dahil natawa ako sa huling post ko, nainspire akong sumulat ng isa pa kahit na sa tingin ko e mas maganda pa rin yung huling post. aym chacha loser talaga.

cge na lang.pagbigyan ang hilig, at nang makabalik na sa nakabinbing article.

08-25-2012


yan ang eksenang tumambad sa akin noong nakaraang buwan. katatapos lang ng pang-umagang seremonyas ko nun, pero tanghali na rin kase batugan ako. hindi ko mapigilang kunan ng litrato.kase napakahiwaga. isang sagupaan sa pagitan ng dalawang karimarimarim na nilalang, at pareho silang patay. nakakatuwang isipin. sana araw-araw may ganyan, para na rin akong binibisita ni santa claus araw-araw. :D





10 September 2012

hallur hallur


yan, as promised, magiging diligent nako sa pagpopost ng entries (kung hindi ako tatamarin). isang araw na at kalahati pagkatapos kong alisin ang Facebook application sa aking telepono, at masaya naman ako na wala akong withdrawal symptoms. don't get me wrong. hindi ako adik. nasanay lang ako na maya't maya ay tinitingnan ko ang aking account (for lack of something to do ba - pero hindi rin kasi andami kong mas makabuluhang bagay na pwedeng gawin kesa nga mag-fb). pero nasuya na rin ako sa pagchecheck dahil pareparehong tao rin ang nakikita ko, parepareho lang halos ang tema ng status updates nila, and nothing is ever about me anymore. kaya BOYCOTT! ang sigaw ng aking damdamin - sa blog ko, everything is about me. yun nga lang, walang interasksyon dahil wala akong audience. aym chacha loser.

kasalukuyan kong sinusulat ang post na to sa aking telepono, habang hinihintay ko ang nanay ko na matapos sa verification ng kanyang ez ez ez! membership na magbibigay ng daan sa pagkakaroon nya ng ez ez ez! id para sa ikauunlad ng bayan (okay hindi ng bayan dahil nanay ko lang naman ang makikinabang sa id nya). andaeng tao. buti mejo maaga kame at kung papalarin ay hindi na aabutan ng lunch break (at buong akala ko lahat ng public offices sa i love my own my native land Philippines my Philippines ay wala nang lunch break lekat).

sabi ko nga kahapon marami akong naipong bala kaya hindi ko alam alin ang uunahin ko. ito na lang siguro:

ang Nimbus 2000 ng mga toothbrush


likas akong maarte (kahit hindi mashadong bagay sa akin) at lalo pang umarte nang magkaron ako ng Octopus sa chan. nung isang gabi -dahil sa nangangapal kong mga daliri at sa palala nang palala kong kalampahan (na parehong dahil kay Octopus) - ay nabitawan ko ang tutbrash ko habang ako'y nagsesepilyo so natural nahulog sa sahig ng banyo ang walang kawawaang sepilyo (ewwww, there's no way i am ever gonna use that toothbrush again, sabi ng maarte kong sarili). mejo ilang araw ko na rin namang kino-contemplate ang pagpapalit ng tusbrash, pero dahil hindi pa ako nakakabili ng bago, ipinagpaliban ko muna. nung mahulog nung isang gabi, sabi ko, ah, panahon na talaga para palitan, kaya binasura ko na ito. kaso kinabukasan, wala akong magamit, at bibili pa lang ako pagkatapos naming magsimba. alangan namang magsimba ako ng hindi nagsisipilyo, diba? e tutal bibili rin naman ako maya-maya, naisip kong kumuha ng isa sa mga nakaplastic na tutbrash ng nanay ko sa kabinet nya - yung mga tutbrash na compliments of chenelyn barbar na may kasamang maliliit ng bote ng conditioner at shampoo at bilog na sabon (hoy hoy hoy wag berde ang utak, galing sa lehitimong hotel ang mga yan, pero parang magtatatlong taon na silang nasa kabinet kase alam ko ako pa ang nagbigay sa kanya ng mga yun nung dating ipinadala ako ng talyer na pinagtatrabahuhan ko sa isang branch na malapit sa tirahan ng nanay ko. suskopo napakahabang digression nito) - at ginamit para luminis ang aking teeth at ma-freshen ang aking breath.

it was amazing! sa tatlong strokes lang, MUNTIK KO NANG MAKAIN ANG BRISTLES.

totoong xa ang Nimbus 2000 ng mga toothbrush dahil para akong nag-dessert ng walis tingting!

kaya hindi rin ako nakapagsipilyo ng maayos bago ako magsimba. sabi ko babawi na lang ako pag nakabili na ako ng bago, which i did. moral of the story: bumili ng reserbang tutbrash na pwedeng magamit in case of emergencies lalo na kung nuknukan ka ng arte.

ay teynk yu.

09 September 2012

well well well

i want to turn over a new leaf kaya inalis ko ang facebook application sa aking teleponong krung-krung. sabi ko kay Chaichai, gusto kong maging active sa blogosphere for the meanwhile, dahil nagsasawa nako sa kakatingin sa status updates ng mga prens ko sa fb.

so eto. mejo marami-rami naman akong balang blog-worthy sa tingin ko. sana araw-araw akong makapag-post, hehe. gudlak saken. XD

05 July 2012

parang gutom na yata ako

naamoy ko na kasi ang crispy pata ng nanay ko. pak lang kase di ako makakain ng balat at taba ng baboy the way i want to. control. apat na buwan nang ganito ang mantra ko, mula nung madiskubre naming si Kedron ay isa nang reyalidad. nag-worry nga ako ng konti nun, kase sabi nung unang gyne na pinuntahan namin, 7 weeks na si Kedron. nagbilang ako and owmayshet, zygote na siya nung huli naming inom (kung saan nabasag ni kimoy yung pitsel kase gusto nyang ibalik sa may-ari tapos nabitawan niya kasi hindi ko siya sinamahan dahil nagsusuka ako sa damuhan. spell lasheng).


apat na buwan na akong hindi makakain ng tsokolate at ice cream at will. at magdadalawang linggo na nang umpisahan kong maging makwenta sa aking food intake dahil hindi na ako pwedeng mag-gain ng lalampas sa 4 pounds dahil nung huling buwan e nakasampung libra ang weight gain ko. kumusta naman teh? alam kong hindi akin lahat un at isang pound mahigit na si Kedron, pero i do not want to take any chances. iiire ko ang batang ito, at kung michelin baby siya hindi ko magagawa yun. sabi ng gyne, fully formed na daw siya. kailangan na lang nyang magdeposit ng fats. and it won't do either of us any good kung mukha siyang marshmallow paglabas. kaya moderation is key. :/


tatlong buwan. pasasaan bat makakain ko rin ulit ang gusto ko, at sa gusto kong dami. pero higit sa kagustuhan kong lumamon ulet ay ang makita, mahawakan at mahalin ang napakagandang regalong ito.

i'll eat you up, i love you so


aysowkentpakingweyt.

18 June 2012

pregnancy's a bitch

lalo na't gusto mong:
•kumain ng chippy at uminom ng coke
•magtae sa pag-ubos ng isang malaking cadbury bar at magpakalunod sa chocolate milk drink at mangilo sa kakakain ng chocolate ice cream
•bumalik sa hustle and bustle (weh) ng gy shift bilang support staff sa pamosong kolsenter na dati mong pinagtrabahuhan o kaya nama'y sumunod sa dati mong boss sa bago nyang pinapasukang kolsenter
•magbyahe at maglustay ng pera sa pagbabakasyon dahil inip ka na sa pagiging bum
•mag-calisthenics sa kama (oo yung bastos na calisthenics)
•sapakin yung taong nagsabi sayong "huy, minamanas ka na yata!" sa isang social networking site (at hindi pa sa sarili mong account nya sinabi yun. the nerd ng babaing iyon!)
•warakin lahat ng luma mong damit dahil wala nang magkasha sayo

pero dimo magawa.

otherwise it's okay. otherwise it's nakakatuwa. lalo na pag nararamdaman mong gumagalaw ang bata sa loob (assuming na babae ka, nasa tamang edad at may maayos na reproductive system) mo. minsan di pa rin ako makapaniwala na may milagrong nangyayari sa loob ng katawan ko at lalabas siya in 3 and a half months. 

nakakaexcite pero nakakatakot. sana maging mabuting nanay ako kay Kedron. hindi ko alam kung sa tanda kong ito ay meron na akong maturity para magtaguyod ng isang batang pinapangarap at dinarasal kong maging isang mabuting tao. pero 3 1/2 months pa naman yun. meron pakong oras para enjoyin ang pagiging isip-bata ko. until then, pede pakong gumawa ng videos na ganito:


this is my blog. i post as i please. walang mangengelam.

13 June 2012

nanonood si Chaichai ng dante varona starrer sa tv

tapos tinawag nyako at sinabing pinapanood nga nya yung pelikula. eto naman ako pumunta para tingnan yung tv kahit mag-iisang oras nakong nakatunganga sa harap ng laptop sa aking makeshift opisina dahil may article akong kailangang tapusin (wanpipti rin to, uy. pang-big mac din to. o kaya kahit fries lang. tsaka sana coke float kaso bawal ang soda at caffeine kaya sige fries na lang).

my dilemma T_T
so ngayon hindi ako makapag-decide kung sino ang mas mahal ko sa kanilang dalawa. pak.

08 June 2012

sige nga

san ka nakakita ng baby shower na ang nanay-to-be ang organizer? aber? aber?

nakakainis lang. hindi ko kasi dapat inuurat ang sarili ko. yung baby shower excuse ko lang naman para magkita-kita ulit kami lahat after two years. gusto ko lang silang makita ulit. makasama ba. pero wala sa mga so-called friends ko ang gumagalaw para mag-ayos ng kahit ano. puro hintayan lang.

oo naiintindihan ko busy sila at bum ako. pero hindi naman siguro kalabisan ang magtext lang sila pag off nila para lang sana mapag-usapan sana na uy, sige kitain natin ulit ang ating so-called friends, lalo na yung buntis. kaso wala.

so eto, i'm fuming. nakakaiyak. hindi nyo ako dapat sina-subject sa ganiton klaseng emotional torture! jontis akey!

pakdatshit.

06 June 2012

hindi porket nag-post ako ngayon

e okay nako.

kasi hindi pa rin. tinatamad pa rin ako. at inaantok. anlaki naman kasi ng problema ko eh. bakit kaya hindi na lang ako matulog diba? pwede naman yon. gabi naman, hindi na ganon kainit. ginagawa ko lang komplikado ang buhay ko.

kaya sige, matutulog na ako. pero bago yan, gusto ko lang i-air ang isyu ko sa oranges. yung prutas ba. kailangan ko kasing magkakain ng prutas at gulay dahil kay Kedron. kaya kahit mejo mahal ang prutas kailangang kumain ako ng prutas. so merong oranges sa ref. oo merong google pero nararamdaman ko na ang pagsakit ng ulo ko kaya wala akong pasenshang hanapin kung anong klase sila.

gusto ko lang ipaalam na naiinis ako sa pagkain sa kanila kasi lahat sila ganito ang ichura:

are you trying to spite me?
mula abril, lahat ng nakakain kong kahel me anak sa dulo. as in lahat. sa tuwing magbabalat ako hinihiling ko na makakuha ako ng normal. yung single. yung kinagisnan ko. shempre di naman big deal ito sa karaniwang tao, pakiramdam ko gusto pa nga nila yan kase parang me extra. may bonus. pero bonus my as* because it freaks me out.

ayan dahil sa asar ginoogle ko na rin. navel oranges pala sila. natural sa kanila ang ganyan. pero kahit na. ayoko pa ring nakikita yung bubwit sa gitna. pusod daw yun. paki ko ba.

well well well, kahel. @_@

05 June 2012

bored at inaantok pa rin ako

pero kesa imukmok ko to, magpopost na lang ako ng mga never before seen (at least not in this blog) shots ko sa lupa ng mga japayuki, ay SG pala.hihi.

spell serendipitous ^_^

patawad pero napakatagal ng biyahe at nakatayo ako sa tren ng kulang kulang isang oras. kulang kulang isang oras ko ring tinititigan ang ad na yan kase wala lang akong magawa. wala pakong Kindle Touch (uy sowshal!) ng mga panahong yan at hindi pa sumusuko sa laban ang (t)rusty Samsung Omnia kaya siya lang ang pampaalis ng lumbay sa haba ng biyaheng ito. shempre sumakit ang paa ko at hiniling ko sa cosmic powers na sana may tumayo nang makaupo ako. nasunod naman ang hiling ko. kaso me umupo sa bakanteng upuan. at iyon ay walang iba kundi ang lalaking eto. at madali siyang natulog. tapos ting! sabi ng bumbilya sa utak ko. pero hindi ko naman dali-daling kinunan yan. kase nag-isip din ako. nahiya. meron pa rin naman ako nun, tsaka kasi me nakatayo sa tabi ko. kaya sobrang ingat ang ginawa ko jan. nagbunga naman.


tutal nasa topic na rin tayo ng tren, eto ang isang classic na gawain ng mga tao habang nakasakay lalo na't mahaba-haba ang lakbayin. naiintindihan ko naman si lola eh. maraming beses na rin naman akong naganyan sa katabi ko, at hindi ako kumpiyansang walang kasing-baliw ko sa SG na kumuha na rin ng video ko habang natutulog ako sa balikat nila. sa katunayan gusto ko siyang gisingin at sabihing, "lola, nahihirapan ako sa ginagawa mo, gusto mo humiga ka na lang sa lap ko?" pero baka hindi siya marunong ng english at mapahiya pako sa pagkakawanggawa ko, hinayaan ko na lang siya. buhay nya yan eh. pero dahil sa balikat ko naman siya humihiga, nagdesisyon nako na kunan siya ng video. para quits ba. nakakahiya naman saken, diba?

ayan ayan tinamad na naman ako. kung susuwertehin, meron ulit akong post bukas o sa isang araw. kung mamalasin, bibilang na naman ng buwan bago makakita ulit ng sinag ng araw ang blog na ito. hay buhay.


okey okey

so mejo matagal na nga bago ako huling nag-post dito. okey matagal na matagal na. andae na ngang nangyari. nalaman kong may Kedron na kami ni Chaichai (yahooo!), umalis na kami sa bansa ng mga japayuki, at naubos na ng nanay ko ang mga tsokolateng uwi ko (actually meron pang isang Cadbury bar kase tinitipid nya para raw umabot hanggang sa umuwi ung kaibigan kong mula SG at magdala ng tsokolate para sa kanya), at nakalimalibong beses na ata akong umupo sa harap ng laptop na ito para maghanap ng work from home job pero wala pa ring nangyayari.

e kase naman nakakatamad. ang init. ang ingay. higit sa lahat, nakakaantok. namimiss ko na ang trabaho sa kolsenter. at ayoko nang sumubok mag-agent ulet. not my cup of tsokolate-e. gusto ko nang maging lord of the floor or something to that effect ulit, na kahit hindi ako sikat dahil nangtsustsugi ako ng trainee, e mataas ng konte ang regard for me.

so ngayon naka-tengga pa rin ako. merong konteng raket na pinagkakakitaan ko ng mga wan handred terti samting per day kung masipag ako, pero sobra ngang tinatamad ako. subra! kundi youtube, facebook. nakakabaog. at alam kong ako lang ang pedeng tumulong sa sarili ko, pero wala akong magawaaaa.... kase nga nga inaantok ako. palagi. araw-araw. potek.