19 February 2011

hindi ito photoblog

natutuwa lang talaga ako sa balentayms. unang taon na natuwa ako at may balentayms. you are the best, st. valentine! you rock!

hindi corny ang 2011 balentayms ko dahil:

1.hindi feb 14 ang balentayms namin. feb 12. i would never be caught dead going out on a date on feb14 (pwera na lang kung yayayain ako ni Chaichai; pero kung pagsusuutin nya ko ng pink at bibilhan ng teddy bear at hearts, wag na uy).

2. isang linggo namin tong hinintay. kase feb 6 pa lang, may tickets na kami sa ALL FOR LOVE ng Madz. diba nga, may post ako na hindi ko berdey?

nanood nga kame! eto ang pruweba. in your face!

3. nung araw ng concert, pareho kami ng Chaichai ko na parang kinikiliti sa wetpaks. imbes na matulog siya nang matagal nung sabado dahil bampira siya mula lunes hanggang biyernes, tatlong oras lang ang itinulog nya. perstaym nyang manood ng madz. hindi ko alam kung excited siya dahil excited ako o excited lang siya talaga, pero lalo akong naexcite dahil excited siya. labo. kaya di rin ako nakatulog nang matagal kahit nag-bampira din ako nung byernes. labo talaga.

4. umalis kami ng bahay bago mag-alas singko. alas otso ang concert. tatlong oras para bumyahe, kasama na ang trapik (pag nakatira ka sa lungsod gubat, ang traffic congestion ay isang tangible reality).

5. nakasakay kami ng walang hassle, kahit maraming sasakyang bumabyahe, at kasabay ng concert ang pyromusical ek-ek sa moa kaya maraming nakaharang sa daan.

6. hindi namin nakita ang sinabing landmark ng kasamahan ni Chaichai sa opisina. hindi namin alam kung nasaan na kami, kahit na wanhandred pipti tu tawsan tayms naming sinabi sa kundoktor na, "boss, pwedeng pakibaba sa chowking sa baclaran?"

7. hindi kami binaba ng kundoktor. lumapit na kami sa harapan, umupo sa likod ng drayver, pero maging siya ay eksperto sa larong dodge the question. first time kong mamasahe papuntang ccp (shala ako dati, palaging may tsikot pag may panonoorin sa ccp).

8. umabot kami sa naia. ninoy aquino international airport. at agitated na ang Chaichai ko dahil sebenterti na at alam kong sa utak nya ay sinasabi nyang "pak-pak, shit-shit. i blew it. we're fucking late and shit." lalo na't hindi ako nagsasalita. hindi ako nagsasalita dahil sasabog na naman ang pantog ko. walang tiyempo ang bladder ko. wag akong hingan ng eksplanashon dahil baka bigla kong ikwento ang karanasan ko sa kalayaan avenue at humaba ang digression sa item na to. don't get me started on that @#$%^&* place.

9. binaba kami (sa wakas!) ng bus drayver at sinabihang sumakay ng taxi. 200 ang pamasahe. at kumusta naman si tatay taxi drayver na napakagaling sa rapport pero napakabagal magmaneho. ang kulit. gusto pakong ibaba sa gas station para umihi (pakinangshet). at kada dalawang minuto sinasabi nyang "we'll get there in 10 minutes." (late ng 20 minuto ang oras sa phone nya). hindi nako gumagalaw. apat na minuto na lang alas otso na.

10. nung makarating kami sa nicanor abelardo, wala nang linya. wala nang tao. 15 minits na silang nasa loob ng hall. LATE KAMI.

pero kahit late kami, elibs pa rin. ang kulit ng madz. walang kupas!


inspirasyon na ni Chaichai ang baba ng bass ni Marvin Gayatgay. apir!


       
mahal na rin nya si Bianca Lopez, soprano.


kinilig ako nang makita ko si Sheen at Odette. sinabi ko na magpapapiktyur lang ako kasama si tado o si pepe smith, pero talon ako nang talon nang makita ko sila na nagchichikahan lang sa may entrance ng ccp.
at nanginginig akong inabot ang phone ko kay Chaichai para magpapiktyur. shet, hindi ako nabakyaan sa sarili ko. at kahit hindi ko makuhang lapitan si Pearl dahil andami nakapaligid sa kanya, mahal ko pa rin siya. 




them motherf*ckers are demigods.

18 February 2011

"huy, babuy..."

naknampucha.

araw-araw naririnig ko 'to sa pinagraraketan ko at hindi ako natutuwa. alam kong hindi magandang makialam sa buhay ng may buhay, pero kung maya't maya naman ay naiistorbo ang tinatrabaho ko dahil may maingay dun sa kaliwang banda ng bahay raket, sa tingin ko eh okay lang maazarrrr. kashe she's zo arrte, like she's jee ohnly pershon therrrre. and he'sh sho like noizzzsy like he'sh sho full of himshelf like he showww likesh to hear hish voish all jee time so he'sh like talking in a loud voish all jee time.

pak, nakakahilo.

kung mayaman lang ako at hindi ko kailangang rumaket para makakain, makapagbayad ng renta at makapag-blog, iimbitahan ko sila malapit sa bintana. pero shempre makikipag-friendsh muna ako sa kanila.

tas itutulak ko sila.


pero sa tingin ko hindi naman sila gaanong masasaktan
kung dito sila mahuhulog.


tska accessible naman. andami pang sasakyan.
hindi mahirap kung isusugod sila sa ospital.
tomoh!

06 February 2011

hindi ko bertdey


pero manonood kami sa saberdey! shet, aykentweyt! kahit mahal ko si tuxqs rutaquio at gusto ko siyang makita ulit gumanap bilang ada, mas mahal ko pa rin ang madz.

i have never liked celebrating valentine's day, but this year is different. rak en rol!
mey date ako sa valentine's at sobrang excited nako. yahuuuuuuuuuuuu!
salamat Chaichai! i heart you!

at...hindi na sasabog ang ccp. kase makakapanood nako. hahahahahahaha! hahahahahahahaha! hahahahahahhaha! 

p.s. masarap ang ulam namin for lunch. munggo tsaka pritong bangus. :D

05 February 2011

sana berdey ko ngayon


sana mapanood ko to!!!




o kaya ito!!!

sweet nila no? ^_^



wag ka, di sila magkakilala.

normal na tagpo ito sa fx na sinasakyan ko sa araw-araw na pagraket ko. naisipan ko lang kunan ng litrato ang dalawang ito kanina kasi natuwa ako. parang sarap na sarap ng tulog si ate dahil sa pagkahilig nya sa balikat ni kuya. and kuya didn't seem to mind at all. kasi tulog din siya. ang swerte ko dito. libreng-libre ang shot. tulog kasi yung kuya sa harapan ko at di ko pinansin yung ateng mukhang tikling (hindi ako insecure sa laki ko, mukha lang talaga siyang tikling. kung papipiliin ako, mas gugustuhin ko pa rin ang katawan ko ngayon kesa pumayat at mawalan ng hugis. mabuti nang bilog, di naman patpat.) sa tabi ko, kahit na alam kong kitang-kita nyang kinunan ko ang tagpong ito gamit ang phone kong jurassic sa laki. 

kung merong mga nakatutuwang tagpo sa fx, meron din namang nakakaasarrrrrr. kagaya na lang kagabi. nahirapan akong sumakay ng fx pauwi na kaintindi-intindi naman, dahil rush hour. kaya matiyaga akong naghintay. nang dumating ang fx driver in shining armor, natuwa ako. shempre. may dalawa nang nakaupo sa gitna ng fx. pero apatan naman yun, kaya nakiupo ako. pagkasakay ko, may sumakay pang isang ale na sa palagay ko ay mga kwarenta na. petite naman siya kaya naisip ko, okay lang. umusog nako paharap para makasandal siya. mabait ako eh. pero naasarrrrrr ako nang ipilit nyang ibaba sa sahig ng fx ung pagkalakilaki nyang itim na guess paper bag. halerrrrr? wala ba siyang mata?hindi ba niya pansin ang malaki kong pata? >.<

makalipas ang ilang segundo ng pagtulak sa paper bag niya pababa, natauhan din siya at tumigil. PERO hindi niya napigilang iparamdam sa akin na kasalanan ko kaya kailangan nyang kandungin ang dambuhalang paper bag niya. "ay, hindi kasya," sabi nya.  "ay obvious ba na hippopotamus ang katabi mo?" gusto ko sanang isagot pero pinigil ko ang sarili ko lalo na't narinig ko ang isa ko pang katabi na mag-umpisang mag-hello sa kanyang cellphone.

"hello, may i speak with uncle bob?" hindi ko masasabing may twang siya, pero hindi rin naman siya tunog karaniwan. tunog anak mayaman, oo. parang nag-aral sa ateneo o la salle. o kaya intsik. o anak ng may-ari ng multi-national na kumpanya.
"yes hello uncle bob? uncle? hello? yes po, i'm on my way home." anak mayaman talaga. nagtatrabaho siguro to sa mga big time na building malapit sa raket ko. 

"yeah i attended the board meeting at rustan's." sowshaaaaaal! siguro sa kanila yung rustan's.

"i was with my friend. he's got leads in bacolod and singapore," ah, mayaman nga. hingan ko kaya ng pera to? tapos naisip ko siguro yung 'friend' nya, lalaki rin, hihi. sa ganang akin kasi, walang matinong straight male young executive ang ganito magsalita.

pero hindi ako natuwa. kasi hindi ko makuha yung gusto niyang sabihin sa 'uncle' nya dahil patigil-tigil siya. hindi ko tuloy alam kung bull ang 'uncle' nya at ayaw siyang pagsalitain, o hindi siya makapagsalita ng tuwid. inisip ko: laki ba siya sa isteyts? kung oo, bakit di siya makabuo ng isang sentence? intsik ba siya? pero walang trace ng intsik accent eh. ang werd. bakit kaya di siya magtagalog?

"ahm, kase po tito ano po...." biglang nasagot ang aking mga katanungan. di siya laki sa tate. di siya intsik. jejemon siya! beky pa. at sobrang na-upset siya (sa tingin ko) nang ang nanay naman nya ang makausap niya sa phone. base sa aking powers of deduction, gusto ng mudra na i-meet nya si uncle bob, pero pauwi na siya. ibinaba niya ang phone pagkatapos sabihing, "ma, i'll just call you later. i'm not home yet." 

makaraan ng dalawang buntung hininga, "hello, uncle bob? hello? are you going to be still here in manila on the 18th? hello, tito?" buntung hiniga ulit, "damn."

nanahimik na siya, pero alam kong nahihirapan ang damdamin niya. gusto ko siyang kausapin at sabihing, "beks, everything's gonna be all right," pero pagtingin ko sa kanya, tulog na siya. 

kaya naman nabaling ang atensyon ko dun sa nasa harapan ko, sa tabi ni kuya driver in shining armor. 

edad: early twenties
kasarian: lalaki
estado ng katinuan: not defined

nagsuot siya ng headphones, sinaksak ang headphones sa kanyang iphone, nagpatugtog ng music na di lang siya ang nakakarinig, at sumayaw. at hindi lang ito basta paggalaw ng ulo. hindi lang basta pagsabay sa beat (ng mga kantang kahit ano'ng oras pwede mong marinig sa mga pang-masang radio station at dapat ay hindi na nilalagay sa iphone pero bakit nga naman nakikialam ako sa mga kantang gusto niyang ilagay sa iphone niya eh sa kanya naman yung iphone. gulo.) ha. gumagalaw buong kalahati ng katawan niya. pati kamay. kaya naawa  ako sa katabi niya. napailing na lang ako. buti na lang bumaba na siya maya-maya. kundi baka inaway ko siya. dahil tingin siya ng tingin sa likod dahil gusto niyang ipakitang sumasayaw siya. wala naman akong no choice kundi tumigin sa harapan dahil masikip nga sa lugar ko. hay. the nerd ng lalaking iyon.

nakakatuwa. nakakaasar. yan ang buhay ng commuter. sana may kotse na lang ako. pero di rin pala ako marunong magmaneho. hay buhay. pero bago ako matulog, mag-iiwan ako ng isang imahe na pupukaw sa atensyon ng sinumang titingin dito (as if!) na aking nasumpungan nang minsang sumakay kami ng jeepney ni Chaichai.



hindi ako mapangmata. nagtataka lang ako kung bakit nagsusuot ng mga tsinelas na ganito ang mga tao.
naiintindihan ko na uso ito sa mga kabataan,
 at malamang ay sa mga may edad na rin,
pero bakit kailangang pagsamahin sa isang tsinelas ang bling-bling na ubas,
isda, kabibe at starfish?

masayang weekend sa lahat!  :)



02 February 2011

no pressure

gusto kong gumawa ng higanteng molotov na ihahagis ko sa ccp.

para kasing majejebs ako sa salawal nang malaman ko sa blog ni carlo vergara  na may feb-march 2011 run pala ang zsazsa zaturnnah. bakit kasi ngayon ko lang naisipang tingnan ulit ang blog na yun. at dahil aligaga ako, tumingin na rin ako ng ticket prices. at saka ko nakita na may concert ang philippine madrigal singers sa feb12-13. tapos nakita ko rin na may run ang rent.

at gusto kong majebs at maluha dahil gusto kong panoorin ang mga ito. pero hindi ko mapapanood dahil kailangan kong maghanda sa aking pagiging japayuki physically, emotionally, mentally at financially.

in short, mahal ang tickets. kaya pasasabugin ko na lang ang ccp. para kahit hindi ko napanood, hindi ako maiinggit sa mga nakapanood, dahil walang makakapanood kung walang mapapanooran. ang talino ko talaga. pero parang mas matalino ako nung umiinom pa ako ng kape. ngayon kasi tequila ang ininom ko. ayoko ng cuervo, kaya nga may tira pako nung shi-not ko nung pasko. masyadong maguhit.

pero balik tayo sa molotov. recently ko lang nalaman ang salitang yan. siguro may mga tatlo o apat na linggo pa lang. kwento sakin ni Chaichai, natraffic siya pauwi dahil may isang grupo ng skwaters na nakipag-away sa mga pulis dahil pinaalis sila sa iniiskwatan nila. magpapatalo ba sila? syempre hinde kaya gumawa sila ng molotov at walang nagawa ang riot police. hindi na namin nalaman kung pano natapos ang sabugan dun sa lugar, dahil nakahanap ng way si manong fx driver ng paraan para lumusot sa traffic. pero kelan lang, nung dumaan kame dun sa lugar, nandun ulit ang mga skwater. ang simple lang ng buhay nila. aalis, babalik.

pagkaalis ko kaya, babalik ako agad?

01 February 2011

one for the road



sweet dreams. har.

sobrang luma na neto

pero masarap balikan ang nakaraan. gaya ng sesame street. o batibot. o bioman. o voltron. o carebears. o kaya he-man. o ghostbusters. masarap ding balikan ang alaala ng paglalaro ko sa baha. nung kabataan ko'y malinis ang tubig baha, at isang cause for celebration para sa aming mga magkakabarkada sa sampaloc ang pag-ulan at pagbaha (pero nakakainis rin kasi wala pang dalawang oras pagtigil ng ulan, wala na ring libreng swimming pool sa loob ng bahay ng lola ko). 


ansarap ding isipin na noon, mas simple ang buhay - dyaryo, tv, komiks, betamax, at monkey-monkey-anabelle (at kung sashaaaal ka meron kang brick game o family computer na pwedeng ipagyabang at ipagdamot sa mga kalaro mo) lang ang sagot sa inip. ngayon, hindi mo malaman kung saang website ka pupunta dahil di mo rin mapagdesisyunan kung ano'ng gusto mong panoorin, basahin, o laruin (that didn't come out right, did it?). gumugugol ka ng ilang oras sa tapat ng iyong desktop o laptop, o android phone habang unti-unting napiprito ang brain cells mo.


punitin ang mga cedula!

hahaha. haha. hahahahahahaha.

Never lie, steal, cheat, or drink. 
But if you must lie, lie in the arms of the one you love. 
If you must steal, steal away from bad company.
If you must cheat, cheat death. 
And if you must drink, drink to the moments that take your breath away.


rak en rol.

palapit na ng palapit ang pagiging japayuki ko, at araw-araw, iba-iba ang nararamdaman ko. minsan halos hilahin ko ang mga linggo. minsan naman, ni ayaw kong isiping aalis ako.  ngayon, steady lang - alam ko lang na aalis ako. walang expectations. pero nakakapikon isiping inabot ako ng ganitong edad para gawin to. andami kong pinalipas na panahon. sayang. mayaman na sana ako. payat na sana ako.

ang jologs pag tumanda ka na hindi mo hawak ang buhay mo. pero mas jologs kung magmumukmok ako dahil dito. nagstokwa na nga ako, mag-eemo pa ba ako? 

sana mabasa ng asawa ng itay ko to. manigas sana siya.