para kasing majejebs ako sa salawal nang malaman ko sa blog ni carlo vergara na may feb-march 2011 run pala ang zsazsa zaturnnah. bakit kasi ngayon ko lang naisipang tingnan ulit ang blog na yun. at dahil aligaga ako, tumingin na rin ako ng ticket prices. at saka ko nakita na may concert ang philippine madrigal singers sa feb12-13. tapos nakita ko rin na may run ang rent.
at gusto kong majebs at maluha dahil gusto kong panoorin ang mga ito. pero hindi ko mapapanood dahil kailangan kong maghanda sa aking pagiging japayuki
in short, mahal ang tickets. kaya pasasabugin ko na lang ang ccp. para kahit hindi ko napanood, hindi ako maiinggit sa mga nakapanood, dahil walang makakapanood kung walang mapapanooran. ang talino ko talaga. pero parang mas matalino ako nung umiinom pa ako ng kape. ngayon kasi tequila ang ininom ko. ayoko ng cuervo, kaya nga may tira pako nung shi-not ko nung pasko. masyadong maguhit.
pero balik tayo sa molotov. recently ko lang nalaman ang salitang yan. siguro may mga tatlo o apat na linggo pa lang. kwento sakin ni Chaichai, natraffic siya pauwi dahil may isang grupo ng skwaters na nakipag-away sa mga pulis dahil pinaalis sila sa iniiskwatan nila. magpapatalo ba sila? syempre hinde kaya gumawa sila ng molotov at walang nagawa ang riot police. hindi na namin nalaman kung pano natapos ang sabugan dun sa lugar, dahil nakahanap ng way si manong fx driver ng paraan para lumusot sa traffic. pero kelan lang, nung dumaan kame dun sa lugar, nandun ulit ang mga skwater. ang simple lang ng buhay nila. aalis, babalik.
pagkaalis ko kaya, babalik ako agad?
No comments:
Post a Comment