05 February 2011

sweet nila no? ^_^



wag ka, di sila magkakilala.

normal na tagpo ito sa fx na sinasakyan ko sa araw-araw na pagraket ko. naisipan ko lang kunan ng litrato ang dalawang ito kanina kasi natuwa ako. parang sarap na sarap ng tulog si ate dahil sa pagkahilig nya sa balikat ni kuya. and kuya didn't seem to mind at all. kasi tulog din siya. ang swerte ko dito. libreng-libre ang shot. tulog kasi yung kuya sa harapan ko at di ko pinansin yung ateng mukhang tikling (hindi ako insecure sa laki ko, mukha lang talaga siyang tikling. kung papipiliin ako, mas gugustuhin ko pa rin ang katawan ko ngayon kesa pumayat at mawalan ng hugis. mabuti nang bilog, di naman patpat.) sa tabi ko, kahit na alam kong kitang-kita nyang kinunan ko ang tagpong ito gamit ang phone kong jurassic sa laki. 

kung merong mga nakatutuwang tagpo sa fx, meron din namang nakakaasarrrrrr. kagaya na lang kagabi. nahirapan akong sumakay ng fx pauwi na kaintindi-intindi naman, dahil rush hour. kaya matiyaga akong naghintay. nang dumating ang fx driver in shining armor, natuwa ako. shempre. may dalawa nang nakaupo sa gitna ng fx. pero apatan naman yun, kaya nakiupo ako. pagkasakay ko, may sumakay pang isang ale na sa palagay ko ay mga kwarenta na. petite naman siya kaya naisip ko, okay lang. umusog nako paharap para makasandal siya. mabait ako eh. pero naasarrrrrr ako nang ipilit nyang ibaba sa sahig ng fx ung pagkalakilaki nyang itim na guess paper bag. halerrrrr? wala ba siyang mata?hindi ba niya pansin ang malaki kong pata? >.<

makalipas ang ilang segundo ng pagtulak sa paper bag niya pababa, natauhan din siya at tumigil. PERO hindi niya napigilang iparamdam sa akin na kasalanan ko kaya kailangan nyang kandungin ang dambuhalang paper bag niya. "ay, hindi kasya," sabi nya.  "ay obvious ba na hippopotamus ang katabi mo?" gusto ko sanang isagot pero pinigil ko ang sarili ko lalo na't narinig ko ang isa ko pang katabi na mag-umpisang mag-hello sa kanyang cellphone.

"hello, may i speak with uncle bob?" hindi ko masasabing may twang siya, pero hindi rin naman siya tunog karaniwan. tunog anak mayaman, oo. parang nag-aral sa ateneo o la salle. o kaya intsik. o anak ng may-ari ng multi-national na kumpanya.
"yes hello uncle bob? uncle? hello? yes po, i'm on my way home." anak mayaman talaga. nagtatrabaho siguro to sa mga big time na building malapit sa raket ko. 

"yeah i attended the board meeting at rustan's." sowshaaaaaal! siguro sa kanila yung rustan's.

"i was with my friend. he's got leads in bacolod and singapore," ah, mayaman nga. hingan ko kaya ng pera to? tapos naisip ko siguro yung 'friend' nya, lalaki rin, hihi. sa ganang akin kasi, walang matinong straight male young executive ang ganito magsalita.

pero hindi ako natuwa. kasi hindi ko makuha yung gusto niyang sabihin sa 'uncle' nya dahil patigil-tigil siya. hindi ko tuloy alam kung bull ang 'uncle' nya at ayaw siyang pagsalitain, o hindi siya makapagsalita ng tuwid. inisip ko: laki ba siya sa isteyts? kung oo, bakit di siya makabuo ng isang sentence? intsik ba siya? pero walang trace ng intsik accent eh. ang werd. bakit kaya di siya magtagalog?

"ahm, kase po tito ano po...." biglang nasagot ang aking mga katanungan. di siya laki sa tate. di siya intsik. jejemon siya! beky pa. at sobrang na-upset siya (sa tingin ko) nang ang nanay naman nya ang makausap niya sa phone. base sa aking powers of deduction, gusto ng mudra na i-meet nya si uncle bob, pero pauwi na siya. ibinaba niya ang phone pagkatapos sabihing, "ma, i'll just call you later. i'm not home yet." 

makaraan ng dalawang buntung hininga, "hello, uncle bob? hello? are you going to be still here in manila on the 18th? hello, tito?" buntung hiniga ulit, "damn."

nanahimik na siya, pero alam kong nahihirapan ang damdamin niya. gusto ko siyang kausapin at sabihing, "beks, everything's gonna be all right," pero pagtingin ko sa kanya, tulog na siya. 

kaya naman nabaling ang atensyon ko dun sa nasa harapan ko, sa tabi ni kuya driver in shining armor. 

edad: early twenties
kasarian: lalaki
estado ng katinuan: not defined

nagsuot siya ng headphones, sinaksak ang headphones sa kanyang iphone, nagpatugtog ng music na di lang siya ang nakakarinig, at sumayaw. at hindi lang ito basta paggalaw ng ulo. hindi lang basta pagsabay sa beat (ng mga kantang kahit ano'ng oras pwede mong marinig sa mga pang-masang radio station at dapat ay hindi na nilalagay sa iphone pero bakit nga naman nakikialam ako sa mga kantang gusto niyang ilagay sa iphone niya eh sa kanya naman yung iphone. gulo.) ha. gumagalaw buong kalahati ng katawan niya. pati kamay. kaya naawa  ako sa katabi niya. napailing na lang ako. buti na lang bumaba na siya maya-maya. kundi baka inaway ko siya. dahil tingin siya ng tingin sa likod dahil gusto niyang ipakitang sumasayaw siya. wala naman akong no choice kundi tumigin sa harapan dahil masikip nga sa lugar ko. hay. the nerd ng lalaking iyon.

nakakatuwa. nakakaasar. yan ang buhay ng commuter. sana may kotse na lang ako. pero di rin pala ako marunong magmaneho. hay buhay. pero bago ako matulog, mag-iiwan ako ng isang imahe na pupukaw sa atensyon ng sinumang titingin dito (as if!) na aking nasumpungan nang minsang sumakay kami ng jeepney ni Chaichai.



hindi ako mapangmata. nagtataka lang ako kung bakit nagsusuot ng mga tsinelas na ganito ang mga tao.
naiintindihan ko na uso ito sa mga kabataan,
 at malamang ay sa mga may edad na rin,
pero bakit kailangang pagsamahin sa isang tsinelas ang bling-bling na ubas,
isda, kabibe at starfish?

masayang weekend sa lahat!  :)



No comments:

Post a Comment