hindi corny ang 2011 balentayms ko dahil:
1.hindi feb 14 ang balentayms namin. feb 12. i would never be caught dead going out on a date on feb14 (pwera na lang kung yayayain ako ni Chaichai; pero kung pagsusuutin nya ko ng pink at bibilhan ng teddy bear at hearts, wag na uy).
2. isang linggo namin tong hinintay. kase feb 6 pa lang, may tickets na kami sa ALL FOR LOVE ng Madz. diba nga, may post ako na hindi ko berdey?
![]() |
| nanood nga kame! eto ang pruweba. in your face! |
3. nung araw ng concert, pareho kami ng Chaichai ko na parang kinikiliti sa wetpaks. imbes na matulog siya nang matagal nung sabado dahil bampira siya mula lunes hanggang biyernes, tatlong oras lang ang itinulog nya. perstaym nyang manood ng madz. hindi ko alam kung excited siya dahil excited ako o excited lang siya talaga, pero lalo akong naexcite dahil excited siya. labo. kaya di rin ako nakatulog nang matagal kahit nag-bampira din ako nung byernes. labo talaga.
4. umalis kami ng bahay bago mag-alas singko. alas otso ang concert. tatlong oras para bumyahe, kasama na ang trapik (pag nakatira ka sa lungsod gubat, ang traffic congestion ay isang tangible reality).
5. nakasakay kami ng walang hassle, kahit maraming sasakyang bumabyahe, at kasabay ng concert ang pyromusical ek-ek sa moa kaya maraming nakaharang sa daan.
6. hindi namin nakita ang sinabing landmark ng kasamahan ni Chaichai sa opisina. hindi namin alam kung nasaan na kami, kahit na wanhandred pipti tu tawsan tayms naming sinabi sa kundoktor na, "boss, pwedeng pakibaba sa chowking sa baclaran?"
7. hindi kami binaba ng kundoktor. lumapit na kami sa harapan, umupo sa likod ng drayver, pero maging siya ay eksperto sa larong dodge the question. first time kong mamasahe papuntang ccp (shala ako dati, palaging may tsikot pag may panonoorin sa ccp).
8. umabot kami sa naia. ninoy aquino international airport. at agitated na ang Chaichai ko dahil sebenterti na at alam kong sa utak nya ay sinasabi nyang "pak-pak, shit-shit. i blew it. we're fucking late and shit." lalo na't hindi ako nagsasalita. hindi ako nagsasalita dahil sasabog na naman ang pantog ko. walang tiyempo ang bladder ko. wag akong hingan ng eksplanashon dahil baka bigla kong ikwento ang karanasan ko sa kalayaan avenue at humaba ang digression sa item na to. don't get me started on that @#$%^&* place.
9. binaba kami (sa wakas!) ng bus drayver at sinabihang sumakay ng taxi. 200 ang pamasahe. at kumusta naman si tatay taxi drayver na napakagaling sa rapport pero napakabagal magmaneho. ang kulit. gusto pakong ibaba sa gas station para umihi (pakinangshet). at kada dalawang minuto sinasabi nyang "we'll get there in 10 minutes." (late ng 20 minuto ang oras sa phone nya). hindi nako gumagalaw. apat na minuto na lang alas otso na.
10. nung makarating kami sa nicanor abelardo, wala nang linya. wala nang tao. 15 minits na silang nasa loob ng hall. LATE KAMI.
pero kahit late kami, elibs pa rin. ang kulit ng madz. walang kupas!
inspirasyon na ni Chaichai ang baba ng bass ni Marvin Gayatgay. apir!
mahal na rin nya si Bianca Lopez, soprano.
kinilig ako nang makita ko si Sheen at Odette. sinabi ko na magpapapiktyur lang ako kasama si tado o si pepe smith, pero talon ako nang talon nang makita ko sila na nagchichikahan lang sa may entrance ng ccp.
at nanginginig akong inabot ang phone ko kay Chaichai para magpapiktyur. shet, hindi ako nabakyaan sa sarili ko. at kahit hindi ko makuhang lapitan si Pearl dahil andami nakapaligid sa kanya, mahal ko pa rin siya.
them motherf*ckers are demigods.




No comments:
Post a Comment