pero masarap balikan ang nakaraan. gaya ng sesame street. o batibot. o bioman. o voltron. o carebears. o kaya he-man. o ghostbusters. masarap ding balikan ang alaala ng paglalaro ko sa baha. nung kabataan ko'y malinis ang tubig baha, at isang cause for celebration para sa aming mga magkakabarkada sa sampaloc ang pag-ulan at pagbaha (pero nakakainis rin kasi wala pang dalawang oras pagtigil ng ulan, wala na ring libreng swimming pool sa loob ng bahay ng lola ko).
ansarap ding isipin na noon, mas simple ang buhay - dyaryo, tv, komiks, betamax, at monkey-monkey-anabelle (at kung sashaaaal ka meron kang brick game o family computer na pwedeng ipagyabang at ipagdamot sa mga kalaro mo) lang ang sagot sa inip. ngayon, hindi mo malaman kung saang website ka pupunta dahil di mo rin mapagdesisyunan kung ano'ng gusto mong panoorin, basahin, o laruin (that didn't come out right, did it?). gumugugol ka ng ilang oras sa tapat ng iyong desktop o laptop, o android phone habang unti-unting napiprito ang brain cells mo.
punitin ang mga cedula!

No comments:
Post a Comment