pasintabi sa mga kumakain, pero nasabi ko na.
piftitu minits pa at pede nakong mag-log out sa opisinang to. akala nila high tech sila dahil yung attendance nila dito nakukuha sa pag-iiskan ng pinggerprint. di ako bilib, dahil ang high tech para saken e retina scan. yung parang sa pelikula - kelangan mong patayin yung tao at dukutin yung eyeball nya para magkaron ka ng access sa top secret na kwartong kung saan nakalagak ang napakaliit na microchip na naglalaman ng pinaka-advance na chemical warfare trigger na magiging susi para sa world domination. ang haba ng sinabi ko, pero mas gusto ko pa rin ang kronos timekeeping system, pero di dahil inaabuso namin yun ng mga katarbaho ko dati, haha. sowshaaaaal lang.
ewan pero namimiss ko ang buhay call center. namimiss ko ang "inernet," ang "how may assist you today?" ang "thank you for that information, one moment please, check ko lamang po," at ang iba't ibang katatawanang nakukuha sa pakikinig ng calls at paglalakad sa floor. namimiss ko ang escalations na palaging binabato sa team namen na nagiging dahilan ng pagkaudlot ng 7-11 sessions namen pag alas diyes ng gabi.
siguro masasabi ko ring namimiss ko ang pinas, at kung may choice ako, hindi ko pa rin pipiliing iwan siya. maganda naman dito sa singapore. unti-unti na rin akong nasasanay. di nako nabubuwiset mashado sa amoy ng mga tao, nakakatulog nako ng mahimbing sa tren (minsan nga nakahilig pa ang ulo ko sa katabi ko), nagiging regular na ang pagkain ko sa hawker (ewan kung saan galing ang katimangan ng mga tao dito't tinawag nilang hawker ang karinderya), at naiintindihan ko na ng mas malinaw ang pagsasalita ng mga katarbaho ko.
pero ang pinakanamimiss ko: ang nanay ko. gusto kong umuwi sa pinas dala ang isang buong maletang puno ng pasalubong para lang sa kanya. gusto ko siyang uwian ng iba't-ibang pabango, t-shirts na may ibat-ibang design (at lahat ng design ay dapat nakatatak "singapore" o ang merlion), limang pares ng crocs at havaianas na tsinelas, pake-pakete ng pistachio nuts, bin-bin rice crackers (jaspordahekopit), at cake ball (jaspordahekopit lang din), kung anu-anupang kakatuwang pede kong makita dito at iuwi sa kanya, at maramimg-maraming tsokolate. hindi masiba ang nanay ko, at alam ko 3/4 ng ipapasalubong ko sa kanya ipamimigay nya sa mga kapit-bahay nya sa mala-tondong tinitirhan nya, pero gusto ko pa ring dalhin sa kanya lahat ng ito and more. gusto ko siyang iahon kung asaan man siya, at bigyan sha ng kahit kaunting pahinga mula sa rayuma nya, sa lagnat,ubo at sipon na palagi nyang idinadaing lately, at mula sa kulit ng kapit-bahay nyang nangangatok pag maysakit siya at hindi nagtinda ng almusal. gusto kong ibigay sa nanay ko ang hindi ko naibigay sa kanya mula nang mag-umpisa akong magtrabaho. mga bagay na diko nabigay dahil abala ako sa pag-iwas sa mala-kraken na ugali ng madrasta ko kaya imbes na sa nanay ko ako magbigay ng pera tuwing sahod, sa kanya napupunta. jologs man, matutuwa akong marinig ang nanay kong pinagyayabang ako sa neighborhood, "eto t-shirt uwi ng anak ko, galing abroad, sa singapore." "o, tsokolate, galing singapore yan, uwi ng anak kong nag-abroad."
naiiyak nako, at mahaba na ang post na ito. kaya manghihiram ako ng thought sa parokya ni edgar: di ko na alam pano tapusin ang blog post, kaya ganito na lang, bigla na lang magkakatuldok.
inaantok nako, pero hindi bago un. walang bago sa antok ko. palagi akong inaantok, so kung inaantok ka rin huwag mong basahin to dahil lalo kang aantukin.
26 November 2011
11 September 2011
isang oras na lang
at matatapos na ang shift ko, pero inaantok pa rin ako. nothing beats a 6-day workweek, pakdatshit.
09 September 2011
powkerpeys
may interbyu si Chaichai bukas, at andami na naming naisip na scenario, pero we're getting ahead of ourselves, kaya pagkatapos naming kumain ng ice cream sa sebenleben, tinigilan ko na siyang kausapin. i cannot afford a heartbreak. not right now.
kailangan ng tamang mindset. at para makapag-mindset ng maayos, kelangan ng piktyur-piktyur!
kailangan ng tamang mindset. at para makapag-mindset ng maayos, kelangan ng piktyur-piktyur!
wala akong masabi dito. basta gusto ko lang tong piktyur na to.
cross between smart and vulgar
oda sa huling hininga. paalam, mendrez. you have served me well.
clams. hehe.
side view. har. ang kulit ng sira ng sapatos ko. shet.
reyna dowager footwear. elibs talaga. majulah, singapura!
the icing on the cake. XD
pero actually, di pa rin ako desidido kung icing nga to o eto ang buong keyk.
basta powkerpeys pa rin ako.
13 July 2011
akala ko disiplinado ang mga tao dito
pero meron palang nakakaisip na umihi sa hagdanan. akalain mo.
kase kung wala, bakit sila maglalagay ng poster na ganito?ang mas makulit, nakapost to sa may elevator. sa elevator kaya, pwedeng umihi?
20 June 2011
19 June 2011
madaling araw na
pero linggo naman, kaya keri lang. wala naman akong pasok (woot woot, as if. kakareport ko pa lang kahapon sa trabaho) sa umaga. mejo inaantok na rin ako, pero mejo feeling ko lang magbampira ngayon jaspordahekopit. e wala naman akong maisip na gawin kaya andito na naman ako. hay. kung meron lang sanang nagbabasa nito maliban kay Chaichai, edi sana nagkakaroon ng konting interaction with my audience (maliban pa sa ego rub na makukuha ko from knowing that what i have to say is worth listening to, kahit bull halos ang content ko :D). oo, pede naman akong magblog sa fb, pero kahit papano, dito may anonimity. hindi ko na kailangang takpan ang mukha ko, as shown in exhibit a:
***makikita nyo rin po, your honor, ang ebidensiya ng double chin, at ang lapad ng braso ng nasasakdal. braso po yan, your honor, at hindi paddle pang-hazing. ang larawan ay isa pa rin pong patotoo, your honor, na ang nasasakdal ay nakasuot ng puti, at hindi maikukubling may kalakihan ang kanyang katawan.***
binubugaw ko naman ang blog ko sa fb. bakit kaya walang nagbabasa? natatakot ba silang mag-click ng link for fear na hacker ako at pag clinick nila ang link ko ay makukuha ko lahat ng information nila? kailangan ko ba ng mas masigasig na marketing strategy? kailangan ko lang ba talagang tanggapin na wala nang posisyon ang mga blogs sa interwebs dahil nasa fb na lahat?
watever, tim weber.
with my good friend, Carol |

kapag tayo'y matanda na
sana'y di tayo magbago
kailanman, nasan man, ito ang pangarap ko
makuha mo pa kayang ako'y hagkan at yakapin
hanggang sa pagtanda natin?
nagtatanong lang sa'yo,
ako pa kaya'y iibigin mo
kung maputi na ang buhok ko?
ang sabihing namimiss ko si Chaichai ay isang understatement. i have never missed anyone like this in my entire life. ever. hindi naman siguro corny kung kinunan ko ng picture tong matandang couple na to sa tren, no? ang cute kasi (buti na nga lang di nila ako napansin dahil si mister ay mejo malaki at si misis ay payat pero halatang toned ang katawan bunga malamang ng pagwowork out mula pa sa kanyang early years - shempre ginawan ko na naman ng kwento ang buhay nya). sana hanggang pagtanda namin ni Chaichai ganyan kami.
can i make senti, lah?
kailanman, nasan man, ito ang pangarap ko
makuha mo pa kayang ako'y hagkan at yakapin
hanggang sa pagtanda natin?
nagtatanong lang sa'yo,
ako pa kaya'y iibigin mo
kung maputi na ang buhok ko?
awww |
can i make senti, lah?
17 June 2011
so much for katamaran
kaya mag-a-update nako. :D
pero dahil tamad ako, di naman ako susulat ng marami...ipopost ko lang ung mga anik-anik na sinulat ko sa phone ko once upon a time in china, er, singapore pala (oo. aaminin ko na, hindi talaga ako nagjapayuki - dalawang buwan nakong narito sa lupain ng chicken rice na masarap naman sa umpisa, pero...teka etong thought na ito ay magwawarrant ng isang buong post on its own, at meron akong agenda at napakahaba na ng digression na ito. bakit ba naimbento ang stream of consciousness? >.< )
happy reading (sa aken at kay Chaichai, dahil parang kaming dalawa lang ang nagbabasa ng blog ko kahit na pinipimp ko to sa fb...hehe). :D

hindi naman ako maarte
pero hindi ko talaga kayang tanggapin na sa twing sasakay ako ng bus o tren, hindi ko maiiwasang makaamoy ng kilikili. pero wag ka - ito ay hindi normal garlic kilikili smell, kundi curry inspired putok na not fof the faint-hearted. minsan (tulad ngayon) tuloy nagdududa ako sa sarili ko - baka sa akin galing ang spicy, ever-unfragrant na pag-alingasaw na yun >.<
hindi nakakatuwa.
masarap ang chicken curry ni Chaichai, pero pag-uwi ko, hindi muna siguro ako magrerekwes na ipagluto niya ako nun. baka hindi ko kayanin. which brings me to the core of this post: uuwi na ako. at the side of my mind (hindi back kasi more than subconsciously aware pero less than consciously aware - oo, gawa-gawa ko lang 'to wag kang makelam pakyu), alam kong sourgraping ang ginagawa ko. pero kung sourgraping to, pwede bang may magpaliwanag sakin kung bakit relief, at di regret, ang nararamdaman ko?
this is some kind of a weird - hindi ko rin kayang ipaliwanag sa sarili ko.
-09Jun2012-

the waiting game
antagal ni dang. naiihi nako. parang gusto ko na ring majebs. sa totoo lang, di ko naman siya dapat hinihintay. wala rin naman akong business sa pupuntahan niya, pero dahil epal akong kaibigan, sasamahan ko siya.
ayun.
sinamahan ko nga si dang, at dahil epal ako, nagfill-out din ako ng application form, at nagpainterbyu rin (insert poker face here). nasa bus ako ngayon para sa second interview (is this some kind of a what). pero sabi ko nga kay Chaichai, no expectations. dahil pag nakuha ako dito (poker face ulet), hindi ako makakauwe sa biyernes (insert sad face here).
nakakatuwang isiping nakikipagkulitan si Papa Jesus saken (and i don't mean that in a bad way). na sinasabayan lang niya ang kulit ko. pero pak, leyt ako sa interbyu (ano ba'ng bago). pero wala pa naman yata ang mang-iinterbyu. naiihi ako. like, wiwi, ganun (insert ngiwi face here).
10Jun2012

ang backstory
para sa kaalaman ng mga maliligaw sa blog ko, magkkwento ako ng konti. konti lang (pero baka dumami dahil madaldal ako).
dapat uuwi na ako sa pinas mula sa singapore. dapat sa mga oras na ito, nagpapahinga kami ni Chaichai (dahil siguradong magleleave siya sa trabaho para sunduin ako). pero nasa office ang Chaichai ko, at andito ako, nagkukwento.
para hindi mashadong boring, gawin nating Q & A:
Q: Bakit ka nasa Singapore?
A: dahil nahila ako ng aking butihing kaibigan na si soy. subukan daw namin maghanap ng trabaho dito. maraming pinoy, malapit sa pinas, di katulad ng dubai. naisip ko, bakit hindi? wala namang mawawala. at merong pagkakataon, so sige teh, gora ako jan.
Q: Kelan ka pa sa Singapore?
A: dalawang buwan bukas, antagal no? lalo na't wala dito ang Chaichai ko. :(
Q: May nahanap ka bang trabaho?
A: sa kabutihan ni Papa Jesus, meron - kung kelan nagdecide na ako na ayaw ko na dito, kung kelan sinabi ko na sa sarili ko na ah, hindi siguro talaga ako para sa lugar na ito dahil hindi ako necessity dito, dun pa ako nakachambang makakilala ng employer na gusto ako - kung kelan tinigilan ko na ang pagsesend ng online applications at tumigil sa pagbili ng jaryo araw-araw para sa job postings at tumigil sa pagsugod sa walk-in interviews kaliwa't kanan. nakakatuwa talaga. nung sinamahan ko si dang (bagong dating kasi siya, at dahil may trabaho na si win, sa akin naatang ang kusa na tumulong dahil parang alam ko na ang pasikut-sikot dito) wala talaga akong balak mag-apply kasi handang-handa na akong umuwi. nabili ko na ng pasalubong si Chaichai at iniisip ko na kung ano'ng ipapasalubong ko kay mommy at mama. pero may makulit na bumubulong habang nagpi-fill out ng application si dang. "sige na. last chance. what have you got to lose? anu't anuman, uuwi ka pa rin. sayang ang natitirang printed out resumes mo sa bag. ten cents per page din yan." ayun. fill out. interview. kinabukasan, second interview. same day, inapply ng work pass. after a day, na-approve ang pass. medical exam: check. naghihintay na lang ng go-signal mula sa hr para mag-umpisa. after two months! ang kulit lang. sobrang rak en rol talaga si Papa Jesus. sankapa?
Q: Maganda ba sa Singapore?
A: maayos ang traffic. walang hassle. malinis compared sa pinas. pero ang mahal ng housing and accommodation. mejo mahal din ang pagkain kung nagcoconvert ka, pero walang bagay na perpekto. kaya kahit na nakakatrauma minsan dahil may biglang dadaan na amoy hindi naligo mula nang ipanganak siya, kahit na ang paboritong prutas dito ay durian (sa lahat naman ng pwedeng gawing peborit pruts), kahit na mahirap intindihin ang singlish (eating here, take away?), keri. doble ang kita dito, kaya can, lah!
Q: Mabait ba ang Singaporeans?
A: meron kaming nakilalang sobrang bait na singaporeans - walang kupas ang support sa amin. pero generally, okay lang. sabi nga nung ceo na nagsecond interview sa akin, hindi sila tulad ng mga pinoy na kahit kanino hospitable. depende daw sa individual. and i couldn't agree more - andami rin naming nakilalang pinoy dito na ambabait - tulong dito, tips jan. pero shempre meron ding mangilan-ngilan na mayabang dahil matagal na sila dito. kebs ko ba. magttrabaho na rin ako dito, and unlike them, i'm gonna pay it forward, sinu-sino pa ba'ng magtutulungan kundi pinoy at pinoy din, diba? at siguro in a way, naiintindihan ko rin kung bakit hindi welcoming ang general public - melting pot kasi ito ng iba't-ibang lahi, at malamang confused and defensive sila without them knowing it. siguro kung ganito rin ang pinas we would be forced to turn in on ourselves at maging masungit din. hehe.
Q: Kailangan ko pa bang magtanong kahit wala na akong maisip?
A: wag na. ang haba na nito, may next post pako. :D

nightcap
sorry, hindi ko talaga mapigilang kunan ng picture tong mga to. sorry talagaaaaaaaaaaaaa... T_T
![]() |
hindi kasi ako makapagdecide kung sago to o itlog ng isda. +_+ |
![]() |
eto mas malapit :D |
![]() |
can you spell stage lights? blurred nga lang ung picture. kailangan ko kasing i-zoom. malayo ako. :s |
![]() |
maraming dishes dito na may sahog na mushroom in abundance. mura siguro, kaya pati sapatos, meron. \m/ |
![]() |
and this caps tonight's showcase: meringue-inspired footwear. o kaya ung ruffles sa damit. n_n parang magiging hobby ko na to. matutulog na nga ako. -_- |
11 May 2011
hoy, bawal mag-flood!
weh?
di naman mobile phone to, di sms. di rin naman to fb (ewan ba kung bakit gumawa-gawa ako ng fb account eh ayoko namang magdagdag ng magdagdag ng tao dun) o twitter. blog ko to, at walang nagbabasa (translation: it's my blo-og and i'll post if i want to, post if i want to, post if i want to...you would post too if it happened to you) which, in a way, is good. kase i can rant without bothering people.
pero it gets lonely sometimes, at ayokong nalulungkot. kase mas masarap magalit. mas healthy para sa akin. pag galit ako may nangyayari. pag malungkot ako, lame. tas nakakataba pa. dahil malungkot ako, kakailanganin ko ng chocolate, o ice cream o kaya chocolate ice cream para mas masarap.
bakit ba nauso ang dementors? para mas masaya ang pagko-conjure ng patronus? para mas masarap pag napatunyan mong wizard ka? e paano kung muggle ka? sinong magkoconjure ng patronus para sayo? unfair.
kunsabagay, wala namang nagsabing fair ang buhay. kahit kelan hindi naman naging fair ang buhay. darating at darating ang dementors, mag-aral ka man sa hogwarts o hindi. wizard ka man o mudblood. it makes no f*cking difference.
amfufu lang. sa sobrang lungkot ko, hindi ko makuhang magalit.

for he's a jolly good fellow
for he's a jolly good fellow
for he's a jolly good fellow
that nobody can deny
that nobody can deny
that nobody can deny
bwiset! trigger happy lang amp*tah.
for he's a jolly good fellow
that nobody can deny
that nobody can deny
that nobody can deny
bwiset! trigger happy lang amp*tah.
naranasan mo na bang
magpigil ng iyak kase may tao sa paligid mo? amfufu ang pakiramdam non kase bibigat noo mo, sasakit temples mo, aantukin ka tas maya-maya makikiliti na yung butas ng ilong mo dahil may sipon nang nagbabadya ng pagtulo.
hindi nakakatuwa.
tapos kahit na gusto mo nang humagulgol pipikit-pikit ka hanggang sa matuyo ang nagingilid na luha, pipiliting ngumiti at kausapin yung kasama mo - na bigla na lang nanahimik kase parang naramdaman nyang nanahimik ka rin pagkatunog ng ting! ng messenger sa netbook mo (worse kung nakikigamit ka lang ng netbook) - para ipakita sa kanya na (kunyari) okay ka lang. amplastic mong gagu ka.
tapos gugustuhin mong uminom ng alak (pero wala kang pambili) o magyosi (pero di ka marunong) kaya gugugulin mo ang natitirang oras feeling sorry for yourself. at iisipin mo ng lahat ng desisyon na ginawa mo, at sisisihin ang sarili mo sa mga pagkakataong pinalampas mo, at sa mga bagay na di mo pinag-isipang mabuti. kawawa ka naman.
burn, baby, burn.

04 May 2011
03 March 2011
maikling pagsusulit sa panitikan
Panuto: Suriing mabuti ang larawan. Gamit ang natatanging galing sa panghuhula, bilugan ang titk ng wastong sagot.
1. Saan pupunta ang tatlong ito?
2. Ano ang sasakyan nila?
3. Saan sila nagkita-kita?
4. Ano ang relasyon ng dalawang babae sa lalaki sa larawan?
5. Ano ang laman ng paper bag ni lalaki?
6. Bakit sila nakatalikod sa camera?
7. Bakit sila kinunan ng larawan?
8. Ano ang relasyon nila sa kumuha ng larawan?
9-10 Ibigay ang buod ng kwentong sa loob ng sampung pangungusap.
![]() |
kuha noong ika-19 ng Pebrero, Sabado |
a) sa opisina b) sa party c) sa binyag
2. Ano ang sasakyan nila?
a) jeepney b) fx c) taxi
3. Saan sila nagkita-kita?
a) sa bahay ng lalaki b) sa ever gotesco c) sa kanto
4. Ano ang relasyon ng dalawang babae sa lalaki sa larawan?
a) wala b) tsuper c) katulong
5. Ano ang laman ng paper bag ni lalaki?
a) magasin b) bib c) regalo sa inaanak
6. Bakit sila nakatalikod sa camera?
a) mahiyain sila b)style nila bulok c) tirik ang araw
7. Bakit sila kinunan ng larawan?
a) mukha silang artista b) nakakatawa sila c) antagal ng fx ko
8. Ano ang relasyon nila sa kumuha ng larawan?
a) kumare b) amo c) photographer
9-10 Ibigay ang buod ng kwentong sa loob ng sampung pangungusap.
para sa mga kaibigan ko
pakyu kayong lahat.
we're not trying to be sappy. we don't like sappy. this is not an attempt on the dramatic, either. we're just saying that we miss you, and that we wish we could get together again - even just for a day (or a night, knowing that we are all, in one way or another, creatures of the dark...^_^) .
pardon us for being wistful. we can't help but look back on those days when we were besought with concerns here and there and we simply didn't care because we knew that we would see one another through.
but we couldn't stay in that bubble forever. we knew, even then, at the back of our minds that we would get caught up in life's hustle and bustle, so we swore to at least try to keep US alive. we knew even then that things would change and priorities would shift, but even that knowledge has not prepared us for this eventual drifting apart. one day we woke up to find you gone, a gaping hole in your wake. :'(
eto ang sabi ng horoscope ko sa facebook: Kedron sweetie, relationships that you've been slowly building on for some time will now begin to show results. You'll know which are worthwhile and which are not. You like to be loyal to friendship and you expect the same back.
galit ako sa inyong lahat!
22 February 2011
19 February 2011
hindi ito photoblog
natutuwa lang talaga ako sa balentayms. unang taon na natuwa ako at may balentayms. you are the best, st. valentine! you rock!
2. isang linggo namin tong hinintay. kase feb 6 pa lang, may tickets na kami sa ALL FOR LOVE ng Madz. diba nga, may post ako na hindi ko berdey?
hindi corny ang 2011 balentayms ko dahil:
1.hindi feb 14 ang balentayms namin. feb 12. i would never be caught dead going out on a date on feb14 (pwera na lang kung yayayain ako ni Chaichai; pero kung pagsusuutin nya ko ng pink at bibilhan ng teddy bear at hearts, wag na uy).
2. isang linggo namin tong hinintay. kase feb 6 pa lang, may tickets na kami sa ALL FOR LOVE ng Madz. diba nga, may post ako na hindi ko berdey?
![]() |
nanood nga kame! eto ang pruweba. in your face! |
3. nung araw ng concert, pareho kami ng Chaichai ko na parang kinikiliti sa wetpaks. imbes na matulog siya nang matagal nung sabado dahil bampira siya mula lunes hanggang biyernes, tatlong oras lang ang itinulog nya. perstaym nyang manood ng madz. hindi ko alam kung excited siya dahil excited ako o excited lang siya talaga, pero lalo akong naexcite dahil excited siya. labo. kaya di rin ako nakatulog nang matagal kahit nag-bampira din ako nung byernes. labo talaga.
4. umalis kami ng bahay bago mag-alas singko. alas otso ang concert. tatlong oras para bumyahe, kasama na ang trapik (pag nakatira ka sa lungsod gubat, ang traffic congestion ay isang tangible reality).
5. nakasakay kami ng walang hassle, kahit maraming sasakyang bumabyahe, at kasabay ng concert ang pyromusical ek-ek sa moa kaya maraming nakaharang sa daan.
6. hindi namin nakita ang sinabing landmark ng kasamahan ni Chaichai sa opisina. hindi namin alam kung nasaan na kami, kahit na wanhandred pipti tu tawsan tayms naming sinabi sa kundoktor na, "boss, pwedeng pakibaba sa chowking sa baclaran?"
7. hindi kami binaba ng kundoktor. lumapit na kami sa harapan, umupo sa likod ng drayver, pero maging siya ay eksperto sa larong dodge the question. first time kong mamasahe papuntang ccp (shala ako dati, palaging may tsikot pag may panonoorin sa ccp).
8. umabot kami sa naia. ninoy aquino international airport. at agitated na ang Chaichai ko dahil sebenterti na at alam kong sa utak nya ay sinasabi nyang "pak-pak, shit-shit. i blew it. we're fucking late and shit." lalo na't hindi ako nagsasalita. hindi ako nagsasalita dahil sasabog na naman ang pantog ko. walang tiyempo ang bladder ko. wag akong hingan ng eksplanashon dahil baka bigla kong ikwento ang karanasan ko sa kalayaan avenue at humaba ang digression sa item na to. don't get me started on that @#$%^&* place.
9. binaba kami (sa wakas!) ng bus drayver at sinabihang sumakay ng taxi. 200 ang pamasahe. at kumusta naman si tatay taxi drayver na napakagaling sa rapport pero napakabagal magmaneho. ang kulit. gusto pakong ibaba sa gas station para umihi (pakinangshet). at kada dalawang minuto sinasabi nyang "we'll get there in 10 minutes." (late ng 20 minuto ang oras sa phone nya). hindi nako gumagalaw. apat na minuto na lang alas otso na.
10. nung makarating kami sa nicanor abelardo, wala nang linya. wala nang tao. 15 minits na silang nasa loob ng hall. LATE KAMI.
pero kahit late kami, elibs pa rin. ang kulit ng madz. walang kupas!
inspirasyon na ni Chaichai ang baba ng bass ni Marvin Gayatgay. apir!
mahal na rin nya si Bianca Lopez, soprano.
kinilig ako nang makita ko si Sheen at Odette. sinabi ko na magpapapiktyur lang ako kasama si tado o si pepe smith, pero talon ako nang talon nang makita ko sila na nagchichikahan lang sa may entrance ng ccp.
at nanginginig akong inabot ang phone ko kay Chaichai para magpapiktyur. shet, hindi ako nabakyaan sa sarili ko. at kahit hindi ko makuhang lapitan si Pearl dahil andami nakapaligid sa kanya, mahal ko pa rin siya.
them motherf*ckers are demigods.
18 February 2011
"huy, babuy..."
naknampucha.
araw-araw naririnig ko 'to sa pinagraraketan ko at hindi ako natutuwa. alam kong hindi magandang makialam sa buhay ng may buhay, pero kung maya't maya naman ay naiistorbo ang tinatrabaho ko dahil may maingay dun sa kaliwang banda ng bahay raket, sa tingin ko eh okay lang maazarrrr. kashe she's zo arrte, like she's jee ohnly pershon therrrre. and he'sh sho like noizzzsy like he'sh sho full of himshelf like he showww likesh to hear hish voish all jee time so he'sh like talking in a loud voish all jee time.
pak, nakakahilo.
kung mayaman lang ako at hindi ko kailangang rumaket para makakain, makapagbayad ng renta at makapag-blog, iimbitahan ko sila malapit sa bintana. pero shempre makikipag-friendsh muna ako sa kanila.
tas itutulak ko sila.

pero sa tingin ko hindi naman sila gaanong masasaktan
kung dito sila mahuhulog.
tska accessible naman. andami pang sasakyan.
hindi mahirap kung isusugod sila sa ospital.
tomoh!
06 February 2011
hindi ko bertdey
pero manonood kami sa saberdey! shet, aykentweyt! kahit mahal ko si tuxqs rutaquio at gusto ko siyang makita ulit gumanap bilang ada, mas mahal ko pa rin ang madz.
i have never liked celebrating valentine's day, but this year is different. rak en rol!
mey date ako sa valentine's at sobrang excited nako. yahuuuuuuuuuuuu!
salamat Chaichai! i heart you!
at...hindi na sasabog ang ccp. kase makakapanood nako. hahahahahahaha! hahahahahahahaha! hahahahahahhaha!
p.s. masarap ang ulam namin for lunch. munggo tsaka pritong bangus. :D
05 February 2011
sweet nila no? ^_^
wag ka, di sila magkakilala.
normal na tagpo ito sa fx na sinasakyan ko sa araw-araw na pagraket ko. naisipan ko lang kunan ng litrato ang dalawang ito kanina kasi natuwa ako. parang sarap na sarap ng tulog si ate dahil sa pagkahilig nya sa balikat ni kuya. and kuya didn't seem to mind at all. kasi tulog din siya. ang swerte ko dito. libreng-libre ang shot. tulog kasi yung kuya sa harapan ko at di ko pinansin yung ateng mukhang tikling (hindi ako insecure sa laki ko, mukha lang talaga siyang tikling. kung papipiliin ako, mas gugustuhin ko pa rin ang katawan ko ngayon kesa pumayat at mawalan ng hugis. mabuti nang bilog, di naman patpat.) sa tabi ko, kahit na alam kong kitang-kita nyang kinunan ko ang tagpong ito gamit ang phone kong jurassic sa laki.
kung merong mga nakatutuwang tagpo sa fx, meron din namang nakakaasarrrrrr. kagaya na lang kagabi. nahirapan akong sumakay ng fx pauwi na kaintindi-intindi naman, dahil rush hour. kaya matiyaga akong naghintay. nang dumating ang fx driver in shining armor, natuwa ako. shempre. may dalawa nang nakaupo sa gitna ng fx. pero apatan naman yun, kaya nakiupo ako. pagkasakay ko, may sumakay pang isang ale na sa palagay ko ay mga kwarenta na. petite naman siya kaya naisip ko, okay lang. umusog nako paharap para makasandal siya. mabait ako eh. pero naasarrrrrr ako nang ipilit nyang ibaba sa sahig ng fx ung pagkalakilaki nyang itim na guess paper bag. halerrrrr? wala ba siyang mata?hindi ba niya pansin ang malaki kong pata? >.<
makalipas ang ilang segundo ng pagtulak sa paper bag niya pababa, natauhan din siya at tumigil. PERO hindi niya napigilang iparamdam sa akin na kasalanan ko kaya kailangan nyang kandungin ang dambuhalang paper bag niya. "ay, hindi kasya," sabi nya. "ay obvious ba na hippopotamus ang katabi mo?" gusto ko sanang isagot pero pinigil ko ang sarili ko lalo na't narinig ko ang isa ko pang katabi na mag-umpisang mag-hello sa kanyang cellphone.
"hello, may i speak with uncle bob?" hindi ko masasabing may twang siya, pero hindi rin naman siya tunog karaniwan. tunog anak mayaman, oo. parang nag-aral sa ateneo o la salle. o kaya intsik. o anak ng may-ari ng multi-national na kumpanya.
"yes hello uncle bob? uncle? hello? yes po, i'm on my way home." anak mayaman talaga. nagtatrabaho siguro to sa mga big time na building malapit sa raket ko.
"yeah i attended the board meeting at rustan's." sowshaaaaaal! siguro sa kanila yung rustan's.
"i was with my friend. he's got leads in bacolod and singapore," ah, mayaman nga. hingan ko kaya ng pera to? tapos naisip ko siguro yung 'friend' nya, lalaki rin, hihi. sa ganang akin kasi, walang matinong straight male young executive ang ganito magsalita.
pero hindi ako natuwa. kasi hindi ko makuha yung gusto niyang sabihin sa 'uncle' nya dahil patigil-tigil siya. hindi ko tuloy alam kung bull ang 'uncle' nya at ayaw siyang pagsalitain, o hindi siya makapagsalita ng tuwid. inisip ko: laki ba siya sa isteyts? kung oo, bakit di siya makabuo ng isang sentence? intsik ba siya? pero walang trace ng intsik accent eh. ang werd. bakit kaya di siya magtagalog?
"ahm, kase po tito ano po...." biglang nasagot ang aking mga katanungan. di siya laki sa tate. di siya intsik. jejemon siya! beky pa. at sobrang na-upset siya (sa tingin ko) nang ang nanay naman nya ang makausap niya sa phone. base sa aking powers of deduction, gusto ng mudra na i-meet nya si uncle bob, pero pauwi na siya. ibinaba niya ang phone pagkatapos sabihing, "ma, i'll just call you later. i'm not home yet."
makaraan ng dalawang buntung hininga, "hello, uncle bob? hello? are you going to be still here in manila on the 18th? hello, tito?" buntung hiniga ulit, "damn."
nanahimik na siya, pero alam kong nahihirapan ang damdamin niya. gusto ko siyang kausapin at sabihing, "beks, everything's gonna be all right," pero pagtingin ko sa kanya, tulog na siya.
kaya naman nabaling ang atensyon ko dun sa nasa harapan ko, sa tabi ni kuya driver in shining armor.
edad: early twenties
kasarian: lalaki
estado ng katinuan: not defined
nagsuot siya ng headphones, sinaksak ang headphones sa kanyang iphone, nagpatugtog ng music na di lang siya ang nakakarinig, at sumayaw. at hindi lang ito basta paggalaw ng ulo. hindi lang basta pagsabay sa beat (ng mga kantang kahit ano'ng oras pwede mong marinig sa mga pang-masang radio station at dapat ay hindi na nilalagay sa iphone pero bakit nga naman nakikialam ako sa mga kantang gusto niyang ilagay sa iphone niya eh sa kanya naman yung iphone. gulo.) ha. gumagalaw buong kalahati ng katawan niya. pati kamay. kaya naawa ako sa katabi niya. napailing na lang ako. buti na lang bumaba na siya maya-maya. kundi baka inaway ko siya. dahil tingin siya ng tingin sa likod dahil gusto niyang ipakitang sumasayaw siya. wala naman akong no choice kundi tumigin sa harapan dahil masikip nga sa lugar ko. hay. the nerd ng lalaking iyon.
nakakatuwa. nakakaasar. yan ang buhay ng commuter. sana may kotse na lang ako. pero di rin pala ako marunong magmaneho. hay buhay. pero bago ako matulog, mag-iiwan ako ng isang imahe na pupukaw sa atensyon ng sinumang titingin dito (as if!) na aking nasumpungan nang minsang sumakay kami ng jeepney ni Chaichai.
hindi ako mapangmata. nagtataka lang ako kung bakit nagsusuot ng mga tsinelas na ganito ang mga tao.
naiintindihan ko na uso ito sa mga kabataan,
at malamang ay sa mga may edad na rin,
at malamang ay sa mga may edad na rin,
pero bakit kailangang pagsamahin sa isang tsinelas ang bling-bling na ubas,
isda, kabibe at starfish?
masayang weekend sa lahat! :)
02 February 2011
no pressure
gusto kong gumawa ng higanteng molotov na ihahagis ko sa ccp.
para kasing majejebs ako sa salawal nang malaman ko sa blog ni carlo vergara na may feb-march 2011 run pala ang zsazsa zaturnnah. bakit kasi ngayon ko lang naisipang tingnan ulit ang blog na yun. at dahil aligaga ako, tumingin na rin ako ng ticket prices. at saka ko nakita na may concert ang philippine madrigal singers sa feb12-13. tapos nakita ko rin na may run ang rent.
at gusto kong majebs at maluha dahil gusto kong panoorin ang mga ito. pero hindi ko mapapanood dahil kailangan kong maghanda sa aking pagiging japayukiphysically, emotionally, mentally at financially.
in short, mahal ang tickets. kaya pasasabugin ko na lang ang ccp. para kahit hindi ko napanood, hindi ako maiinggit sa mga nakapanood, dahil walang makakapanood kung walang mapapanooran. ang talino ko talaga. pero parang mas matalino ako nung umiinom pa ako ng kape. ngayon kasi tequila ang ininom ko. ayoko ng cuervo, kaya nga may tira pako nung shi-not ko nung pasko. masyadong maguhit.
pero balik tayo sa molotov. recently ko lang nalaman ang salitang yan. siguro may mga tatlo o apat na linggo pa lang. kwento sakin ni Chaichai, natraffic siya pauwi dahil may isang grupo ng skwaters na nakipag-away sa mga pulis dahil pinaalis sila sa iniiskwatan nila. magpapatalo ba sila? syempre hinde kaya gumawa sila ng molotov at walang nagawa ang riot police. hindi na namin nalaman kung pano natapos ang sabugan dun sa lugar, dahil nakahanap ng way si manong fx driver ng paraan para lumusot sa traffic. pero kelan lang, nung dumaan kame dun sa lugar, nandun ulit ang mga skwater. ang simple lang ng buhay nila. aalis, babalik.
pagkaalis ko kaya, babalik ako agad?
para kasing majejebs ako sa salawal nang malaman ko sa blog ni carlo vergara na may feb-march 2011 run pala ang zsazsa zaturnnah. bakit kasi ngayon ko lang naisipang tingnan ulit ang blog na yun. at dahil aligaga ako, tumingin na rin ako ng ticket prices. at saka ko nakita na may concert ang philippine madrigal singers sa feb12-13. tapos nakita ko rin na may run ang rent.
at gusto kong majebs at maluha dahil gusto kong panoorin ang mga ito. pero hindi ko mapapanood dahil kailangan kong maghanda sa aking pagiging japayuki
in short, mahal ang tickets. kaya pasasabugin ko na lang ang ccp. para kahit hindi ko napanood, hindi ako maiinggit sa mga nakapanood, dahil walang makakapanood kung walang mapapanooran. ang talino ko talaga. pero parang mas matalino ako nung umiinom pa ako ng kape. ngayon kasi tequila ang ininom ko. ayoko ng cuervo, kaya nga may tira pako nung shi-not ko nung pasko. masyadong maguhit.
pero balik tayo sa molotov. recently ko lang nalaman ang salitang yan. siguro may mga tatlo o apat na linggo pa lang. kwento sakin ni Chaichai, natraffic siya pauwi dahil may isang grupo ng skwaters na nakipag-away sa mga pulis dahil pinaalis sila sa iniiskwatan nila. magpapatalo ba sila? syempre hinde kaya gumawa sila ng molotov at walang nagawa ang riot police. hindi na namin nalaman kung pano natapos ang sabugan dun sa lugar, dahil nakahanap ng way si manong fx driver ng paraan para lumusot sa traffic. pero kelan lang, nung dumaan kame dun sa lugar, nandun ulit ang mga skwater. ang simple lang ng buhay nila. aalis, babalik.
pagkaalis ko kaya, babalik ako agad?
01 February 2011
sobrang luma na neto
pero masarap balikan ang nakaraan. gaya ng sesame street. o batibot. o bioman. o voltron. o carebears. o kaya he-man. o ghostbusters. masarap ding balikan ang alaala ng paglalaro ko sa baha. nung kabataan ko'y malinis ang tubig baha, at isang cause for celebration para sa aming mga magkakabarkada sa sampaloc ang pag-ulan at pagbaha (pero nakakainis rin kasi wala pang dalawang oras pagtigil ng ulan, wala na ring libreng swimming pool sa loob ng bahay ng lola ko).
ansarap ding isipin na noon, mas simple ang buhay - dyaryo, tv, komiks, betamax, at monkey-monkey-anabelle (at kung sashaaaal ka meron kang brick game o family computer na pwedeng ipagyabang at ipagdamot sa mga kalaro mo) lang ang sagot sa inip. ngayon, hindi mo malaman kung saang website ka pupunta dahil di mo rin mapagdesisyunan kung ano'ng gusto mong panoorin, basahin, o laruin (that didn't come out right, did it?). gumugugol ka ng ilang oras sa tapat ng iyong desktop o laptop, o android phone habang unti-unting napiprito ang brain cells mo.
punitin ang mga cedula!

hahaha. haha. hahahahahahaha.
Never lie, steal, cheat, or drink.
But if you must lie, lie in the arms of the one you love.
If you must steal, steal away from bad company.
If you must cheat, cheat death.
And if you must drink, drink to the moments that take your breath away.
rak en rol.
palapit na ng palapit ang pagiging japayuki ko, at araw-araw, iba-iba ang nararamdaman ko. minsan halos hilahin ko ang mga linggo. minsan naman, ni ayaw kong isiping aalis ako. ngayon, steady lang - alam ko lang na aalis ako. walang expectations. pero nakakapikon isiping inabot ako ng ganitong edad para gawin to. andami kong pinalipas na panahon. sayang. mayaman na sana ako. payat na sana ako.
ang jologs pag tumanda ka na hindi mo hawak ang buhay mo. pero mas jologs kung magmumukmok ako dahil dito. nagstokwa na nga ako, mag-eemo pa ba ako?
sana mabasa ng asawa ng itay ko to. manigas sana siya.
31 January 2011
meron akong bagong blog
pero hindi ako bagong blogger. mahilig akong magbasa, pero hindi ako academic reader. mahilig ako sa comedy, pero ng punchline, hindi ako magaling magdeliver.
at lalong hindi ako makata.
natutuwa lang ako sa maraming bagay - sa mga kanta ng radioactive sago project, sa kababawan ng novelty songs, sa kulit ng anansi boys ni neil gaiman, sa ere ni jessica zafra at sa general truth na magpapaapak ng kahihiyan ang mga tao para sa libreng libro (gusto ko ring gawin yun pero madalas tinatamad ako), sa nakangiting mukha ng tangi kong pag-ibig, sa payday, sa mga kuyut na bata, sa pagluluto ng sinangag, sa we no speak americano ng yolanda be cool, sa chocolate drink na nakabote, sa silver na band sa palasingsingan ko, sa gulo ng mga kaibigan ko pag nagkatagpo-tagpo ang mga oras namin at pwede kaming maglasing na parang walang bukas, sa now-defunct dear diarya (please lang, mr.d , bumalik ka na. wala akong tumblr at hindi ako gagawa nun para sayo), sa takoyaki (bakit kaya walang ganito malapit sa bahay namin), sa tumblebug, bejeweled at magic sushi, sa papel na kulay brown, itim, at off-white, sa kapitbahay naming may tindahan na si nanay nati na gustong-gusto kong binibigyan ng pagkain, at sa marami pang bagay na hindi ko na mabanggit ngayon dahil 11:25 na at gigising pako ng alas-tres para makuha ang final pay ko mula sa luma kong raket - pero hindi ibig sabihin nun isa akong positive na tao.
ipinanganak yata ako sa sama ng loob (kung ikaw kaya ang ipanganak ng lunes, di rin kaya sasama loob mo?). wanhandred yirs old nako, pero nung nakaraang taon ko lang naumpisahang maranasan ang tunay na buhay.
masarap pala.
at aaminin ko, kahit palagi pa rin akong galit, masaya na ako ngayon. masayang- masaya.

Subscribe to:
Posts (Atom)